Isang Blogger, Tinawag Na “Balimbing” At “Hunyango” Si Alan Peter Cayetano

Isa sa mga nagbitiw sa posisyon sa gobyerno upang tumakbo para sa panibagong posisyon ay si Alan Peter Cayetano. Ang dating Department of Foreign Affairs Secretary ay kamakailang nagbitiw upang makapagpasa ng ng kandidatura sa nalalapit na midterm senatorial election. Kilala bilang malapit na taga-suporta ng Pangulong Rodrigo Duterte, si Cayetano ay tatakbo bilang 1st District Representative ng Taguig-Pateros. 

Balimbing 

Ganunpaman, binanatan naman ng isang kilalang blogger na si Maharlika si Cayetano ukol sa pagiging balimbing nito. Noong panahon ng Aquino administration ay tila kapansin-pansin diumano ang pagdikit nito sa Pangulong Noynoy Aquino, at kay Pangulong Duterte sa kasalukuyang administrasyon. Sa post nitong lumang video ay makikita kung saan ay ipinapakilala at ipinagmamalaki ni Cayetano ang mga kilalang personalidad sa pulitika na kaalyado ng dating pangulong Aquino na sina Trillanes, Hontiveros, Drilon, at iba pa. 

Tiger Economy Sa Ilalim Ni Aquino

Punong-puno ng pagkaproud si Cayetano na ipakilala at ipagmalaki ang pangulong Aquino na kung saan ay nabanggit nito ang magandang estado ng ekonomiya ng mga panahon na iyon at iyon diumano ay dahil sa effort ng dating pangulo. 

Hunyango At Balimbing 

Sa post ni Maharlika ay nakasaad, 

“Gising Gising! Alan Peter Cayetano isang balimbing na hunyango. Kay Noynoy Aquino sumipsip noon, kay Pangulong Duterte ngayon. Sa 2020 kanino naman kaya?” 

Sinang-ayunan naman ng mga netizen ang pahayag ni Maharlika ukol sa dating senador. Ayon sa mga ito, isa itong dilawan na tinalikuran ang dating kaalyado at ngayon ay nakikisakay kay Duterte upang hindi mawala sa gobyerno. Tinawag din ng ibang netizen na isa itong ahas sa pulitika ganunpaman nagpapasalamat na lamang ang ibang DDS dahil masugid ang suporta nito at pagtatanggol sa pangulong Duterte. 

Boxing Gloves

Sa video ay makikitang nakasuot ng boxing gloves si Cayetano. Aniya ay nakasuot ito ng gloves hindi dahil senyales ng paglaban sa korapsyon sa rehimen ni Aquino dahil sa administrasyon nito ay bawal magkano. Saad nito, 

“Sa ilalim ni President Benigno “Noynoy” Aquino, kahit konti po bawal magnakaw.” 

Malansang Isda 

Tinawag ng mga netizen na “malansang isda” si Cayetano matapos ang kapansin-pansing pagpanig nito sa kung sino ang mas nakalalamang sa mundo ng pulitika. Ganunpaman, naniniwala ang iba na isa lamang itong taktika sa maruming laro ng pulitika. 

Alan Cayetano, Balimbing na sipsip

GISING GISING!!!ALAN PETER CAYETANO ISANG BALIMBING NA HUNYANGOKAY NOYNOY AQUINO SUMIPSIP NOON, KAY PANGULONG DUTERTE NGAYON.SA 2022 KANINO NAMAN KAYA?

Posted by Maharlika on Friday, January 11, 2019

Ito naman ang naging komento ng ilang kababayan natin.

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *