Isang Foreign University Lecturer, Bumira kay Leni Robredo sa Pagkadismaya sa Pagdeport Kay Patricia Fox

Kamakailan lang ay nagpahayag ng lungkot, panghihinayang, at pagkadismaya ang ating bise-presidente na si Leni Robredo patungkol sa tuluyang pagkaka-deport ng Australyanong misyonaryo na si Sister Patricia Fox. Mula sa mga interbyu dito ay sinabi nitong,

“Sister Patricia Fox is more Filipino than many of us.”

Pagdeport kay Patricia Fox

Matatandaang bunsod ng pakikisalamuha sa mga gawaing-politikal ang naging dahilan ng pagpapaalis sa bansa sa nasabing madre. Nitong sabado lamang ay lumipad na pabalik ng Australia ang matandang misyonaryo na syang nakilala sa pagkastigo kay presidente Duterte ukol sa drug campaign at mga kaso ng extra-judicial killings.

Birada ni Sass

Sa kabila naman ng mga batikos, bumira naman ang isang kilalang Foreign University Professor na si Sass Rogando Sasot laban sa animo ay kaplastikan diumano ng bise-presidente. Ayon kay Sass, bakit noong panahon ng Aquino administration na kung saan may mga aktibistang banyaga din ang ipinadeport katulad ni Thomas van Beersum ay hindi ito nagpahayag ng pagkahinayang at pagkalungkot. Hindi lamang ang nasabing banyaga ang napadeport ng gobyernong Aquino, maging ang isa man ding Canadian political activist noon. Kinwestyon nito ang hindi pagbibigay ng boses para sa mga mabanggit na mga banyagang dumadalo sa mga gawain ng mga makakaliwa sa panahon ni Aquino.

Dagdag pa ni Sasot, ang ginawang hakbang ng gobyerno ay nasa batas. Ito ay nakasaad na hindi maaaring dumalo o sumali ang mga banyagang aktibista sa kahit anong politikal na gawain. Hirit ni Sass, walang dahilan upang malungkot si Robredo dahil nasa batas ang prosesong ito.
Kung hiling nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga banyagang aktibista na makisalo sa mga gawaing maka-kaliwa ay dapat maghain ito ng batas para rito.

Manggagamit

Pinatutsadahan din ni Sass ang bise-presidente sa diumanong panggagamit sa sitwasyon. Na kung saan ay ipinapalabas umano ng mga ito na may “concern” sila kay Patricia Fox pero noong panahon ng administrasyong Aquino ay labis ang pagka-OA ng mga ito sa pagpapadeport ng mga banyagang aktibista.

Sinang-ayunan naman ng mga netizen ang mga matapang na pahayag ng Foreign University Lecturer. Dumagdag naman ang isyung ito sa patong-patong na akusasyon ng mga netizen sa abogadang bise presidente sa tila kakulangan sa kaalaman ukol sa batas.

Ito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens:

Source: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *