Isang Magsasaka ang Tumalo sa Political Dynasty sa Narra, Palawan

Isa sa mga natapos na paghahari ng mga political clan ay ang nagsilbi ng higit tatlong dekada sa Narra, Palawan, ang mga Demaala.

Tinuldukan Ang Political Dynasty

Nitong nagdaang eleksyon ay tuluyan na ngang naputol ang political dynasty sa Narra, Palawan. Naipanalo ng isang magsasaka ang mayoral post sa naganap na botohan nitong Mayo 13, Lunes. Hinalal na bilang bagong mayor si Gerandy Danao at tinalo ang kalabang si Lucy Demaala. Nakakuha si Danao ng 15,062 habang ang kalaban naman ay nakakuha lamang ng 14,029 na boto. 

Buhay Ni Danao 

Si Danao ay lumaki sa pangangambing at pangingisda. Nakatira ito malapit sa dagat kaya naman namulat ito sa pamumuhay sa pangingisda. Nakilala si Danao ng kanyang mga kalugar dahil araw araw ito namumutol ng sanga na syang pinapakain nito sa kanyang mga alagang kambing. 

Pagbabahagi nito ukol sa pagdedesisyon na pagtakbo sa eleksyon, 

“Kung walang maglalakas ng loob na tumakbo, sino ang lalaban?”

Suntok Sa Buwan 

Ayon kay Danao ay isang suntok sa buwan ang kanyang pagtakbo. Wala itong sapat na pondo sa pangangampanya. Wala din itong makinarya at umaasa lamang sa mga donasyon mula sa mga kaibigan at mga kaanak. Aniya, lakas lamang ng loob ang baon niya nang suungin ang eleksyon at ang kalaban na naging household name na sa kanilang bayan. 

Ayon kay Danao,

“Kasi ang tagal ng panahon pero wala pa ring pagbabago. Alam ko sa sarili ko na kaya ko ang responsibilidad na ito lalo pa kung para rin sa bayan ko.” 

Nang tanungin ng kanyang balakin para sa kanilang bayan, ibinida nito ang plano na tututukan ang agrikultura, turismo at maayos na patubig. Pagbabahagi pa ni Danao, makakamit ang laban para sa mga maralita kung ang lider ay alam ang hinaing ng kanyang nasasakupan. 

Ikinatuwa Ng Netizens  

Maraming netizen naman ang nagpabatid ng pagbati sa bagong halal na mayor ng Narra, Palawan. Anila ay sa wakas ay natapos na ang paghahari ng mga Demaala na sa loob ng maraming taon ay hindi man lamang napagawa ang mga kalsada sa kanilang lugar. Hiling ng mga ito na sana ay magampanan ni Danao ang kanyang mga pangako at magagandang hangarin sa kanilang bayan. 

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *