Isang Teenager sa Pampanga, Kinayang Magpapako sa Krus

Ngayong Holy week ay tipikal ang makakita ng mga taong nagpapapako sa krus bilang penitensya. Malaking kaganapan ito sa Pampanga. Ito ang isa lamang sa maraming tradisyon ng simbahang Katoliko. 

Binatang Nagpapako 

At ngayong taon ay marami ang nagulat nang isang teenager ang nagdesisyon magpapako sa krus. Isa siya sa mga nagpapako mula sa barangay Moras Dela Paz, Sto. Tomas, Pampanga nito lamang nagdaang Biyernes Santo. Ayon diumano sa binata ay noong nakaraang buwan lamang sya nakapagdesisyon na magpapako sa krus ngayong Semana Santa. Ito ang kanyang paraan upang maipanalangin ang hangad nitong kagalingan ng kanyang ama na kamakailan ay na-stroke. 

Posted by ABS-CBN News on Friday, April 19, 2019

Reaksyon ng mga Netizens 

Inulan naman ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang nasabing balita. Ang iba ay taliwas ang paniniwala na tama ang ginawa ng binata. Anila ay mali ang nasabing tradisyon at hindi na kailan man dapat isagawa ang ganitong gawain. Panalangin ng iba, hindi umano alam ng mga ito ang kanilang ginagawa. Hirit naman ng mga sagrado Katoliko na netizens ay tigilan na ang paninita sa mga paniniwala at tradisyon ng iba. Hiling nila ay respeto mula sa bawat isa. Ang bawat isa umano ay entitled na sumunod sa kanilang tradisyon at paniniwala. 

Posted by ABS-CBN News on Friday, April 19, 2019

Respeto Mula sa Bawat Isa 

Ang bawat isa sa atin ay may sariling paniniwala pagdating sa relihiyon, pulitika, at iba pang aspeto ng buhay. Bagaman iba iba ang opinyon at paniniwala, hiling ng marami ay respeto lamang lalo na kung walang tinatapakang pagkatao ang mga tradisyon na ito. 

Posted by ABS-CBN News on Friday, April 19, 2019

Panahon ng Kwaresma 

Tuwing kwaresma ay inaalala ang pagsasakripisyo ni Hesus upang tubusin tayong lahat mula sa ating mga kasalanan. Nagpapako sa krus si Hesus upang iligtas tayo, ang bawat isa sa kapahamakan na dala ng kalaban. Inaalala din ang kanyang ugat o pinagmulan nito at kung paano siya hinatid ng Dios Ama dito sa mundo. Binibigyang diin din ang kanyang mga aral na nakasaad sa Bibliya na syang sinulat ng kanyang mga disipulo noong sya ay nabubuhay dito sa mundo. Isinasalarawan at ipinapalabas ang kanyang buhay, pagkamAtAY, at muling pagkabuhay hanggang sa pag-akyat nya sa Langit upang muling makasama ang Amang nasa itaas.

TINGNAN: Kabilang ang teenager na ito sa mga nagpapako sa krus sa barangay Moras Dela Paz sa Sto. Tomas, Pampanga…

Posted by ABS-CBN News on Friday, April 19, 2019

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *