Isko Moreno, Balak Bilhin ang Basura ng mga Manileño

Sa isang interview sa bagong halal na mayor ng Maynila na si Isko Moreno ay nagbigay ito ng ideya sa kanyang mga hangarin para sa pagbabago ng syudad. 

Paglilinis Sa Maynila

Tututok ito sa paglilinis ng Maynila na kung saan ay matagal nang isyu sa mga Manilenyo. Tinalo ni Isko Moreno ang kalabang kasalukuyang mayor na si Joseph Ejercito Estrada. Sa panayam nina Tunying at Amy Perez sa programang Umagang Kayganda ay napasabak na ito sa mga tanong kung paano nito isasailalim sa rehabilitasyon ang lungsod.

Sinagot ni Isko ang tanong sa pananaw ng isang basurero. Bilang dating basurero ay layon nito na magkaroon o ibalik ang dating programa ukol sa tamang pagtatapon at paghihiwalay ng mga basura. Aniya ay magkakaroon ito ng isang programa na maglalayon na mahikayat ang mga Manilenyo na maging mas organisado pagdating sa garbage waste. Sagot nito, 

“Bibilhin ko basura nila!” 

May Pagkain Sa Basura 

Ibinida ni Moreno ang layon na paigtingin ang programang Reduce, Reuse, Recycle program o tinatawag na MRF. Aniya, 

“May pagkain sa basura”

Ang mga partikular na bagay sa basura katuld ng mga karton, tanso, aluminum, bote at iba pa ay bibilhin ng city government kapalit ang isang kupon. Ang kupon naman na maiipon ng isang indibidwal ay maaaring ipapalit sa pagkain, bigas, o de lata sa mga partner nitong mga tindahan o grocery. Kaya naman nananawagan ito sa mga businesses na maaaring makipag-partner sa city government ukol sa magandang hangarin nito. 

Metro Aide 

Nagpahayag din si Moreno na ibalik ang permanenteng trabaho para sa mga Metro Aide o sa mga naglilinis ng pampublikong lugar sa isang syudad. Aniya ay layon nito na makapagbigay ng permanenteng trabaho sa kanyang nasasakupan nang hindi nag-aalala tuwing darating ang ika-5 ng buwan kung to ba ay marerenew pa sa trabaho. Maigting ang mga plano ni Isko para makamit ang kalinisan sa syudad na nasasakupan. 

Komento Ng Netizens 

Maraming netizens naman ang napahanga sa kakaibang plano ni Mayor-elect Isko para sa Maynila. Anila ay magandang bigyan ito ng tsansa na mamuno sa kanilang syudad. At deserve nito ang pagkapanalo sa Maynila. Pinasalamatan ito ng mga netizens at hangad na maisakatuparan ang mga balakin para sa Maynila at magandang serbisyo para sa mga Manilenyo. 

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *