James Reid Sinagot ang Mga Batikos Tungkol sa Kanyang Pagiging Hurado sa Idol Philippines

Kamakailan ay inulan ng batikos ang 3 hurado ng Idol Philippines na sina Moira Dela Torre, Vice Ganda, at James Reid. Ito ay dahil sa hindi nila pagpili kay Luke Baylon,isang reggae artist mula Tuguegarao City. Tanging si Regine Velasquez lamang ang nag “yes”, at inakusahan ng mga tao ang 3 hurado na mas tumitingin sa itsura ng kalahok kaysa sa talento ng mga ito.

Inakusahan Ng Netizens

Dahil sa pagkakatanggal ni Luke Baylon sa auditions ng Idol Philippines, marami sa ating mga netizens ang nagreact at nagsabing hindi naman karapat dapat na gawing hurado ang 3 dhil hindi nito ka level si Regine Velasquez sa galing sa pagkanta. Para sa ilang netizens, tila si Regine lamang ang tunay na hurado rito at ang 3 ay naruon lamang para magkomento.

Bukod sa netizens, inilabas din ng singer na si Juan Karlos Labajo ang kanyang pagkadismaya sa hindi pagpili kay Luke Baylon. Nagpost ito sa Twitter at sinabing nahihiya sya para sa ibang hurado na hindi nakita ang potensyal ni Luke sa pagkanta.

“It’s a yes for me. I’m not even gonna argue with the other judges. It’s easy to fix flats and sharps and such imperfections, but it’s not that easy to find soul. Kakagigil.Huge shame on the other ‘judges’ for not seeing this guy’s potential. What a shame. Such a shame. I’m ashamed,” pahayag ni Labajo.

Sagot Ni James Reid

Sinagot naman ni James Reid ang mga batikos sa pamamagitan ng Twitter. Sinabi nito na hindi madali ang maging hurado, at ito ang isa sa pinakamahirap gawin, dahil sa kanila nakasalalay ang karir ng isang nangangarap maging singer. Sinabi rin nito na hindi pa ito malala dahil audition pa llamang ito, mas lalo pang hihirap ang kanilang trabaho pagdating ng later rounds ng Idol Philippines.

Kanya ring tinayuan ang kanilang naging desisyon kay Luke Baylon. Bagama’t inamin nito na isang magaling na singer si Baylon, ang kanilang hinahanap ay isang total package. Sinabi rin nito na abangan na lamang nila ang pumasok sa magic 12 upang maintindihan ang kanyang ibig ipaliwanag.

“That’s the burden we carry as judges, to try and give one special person a chance of a lifetime. Just wait. The audition isn’t even the hardest part. Like I said, Luke Baylon is a good singer but we’re looking for the total package. Wait till you see the 12 finalists. You’ll see why I said he wasn’t ready. For now, I wish Luke all the success is his music career. That rendition of If I Ain’t Got You was sick”, ang sabi ni James Reid.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *