Jimuel Pacquiao, Ni-knockout Ang Kalaban Sa Unang Amateur Boxing Match!

Tagumpay ang kauna-unahang amateur boxing match ng anak ni Manny “Pacman” Pacquiao kamakailan. Na-knockout ni Emmanuel Pacquiao, Jr. o mas kilala bilang Jimuel ang kanyang nakalaban. 

Panalo! 

Ang charity boxing match ay napagtagumpayan ni Jimuel laban sa 26-anyos na kanyang kalaban. Ayon sa balita ng 24 Oras ng GMA, sa firat round pa lamang ay nagpaulan na ng kanang suntok ang binata. Ilang bese din itong naka-straight. Sa sexond round naman ay pinaulanan ng 18-anyos na anak ni Pacman ang kalaban nito ng kaliwang suntok. Bagaman sinunod sunod ng kalaban ang suntok nito, hindi naman umano ito nakalusot sa depensa ni Jimuel. At nang makahanap ito ng magandang kombinasyon ay na-knockout nito ang ka-match sa isang right straight. 

Unang Amateur Match

Sa interview nito ay masayang masaya ang binata sa unang successful amateur match niya. Nang hingan ng mensahe sa kanyang mga magulang, saad nito, 

“Mom, Dad, I won!” 

Aniya ay marami pa itong kailangan malamang ngunit sa ngayon ay masaya ito na nanalo sya. Sa laban ni Jimuel ay nanood ang kanyang kapatid na si Michael Pacquiao at mga kaibigan. Nagpakita ito ng full support para sa kanyang kapatid. 

Potensyal 

Ang galing ni Jimuel sa larangan ng boxing ay tila nagmula sa kanyang ama. Dahil din umano ay personal itong nagte-training sa ilalim ng kanyang tatay na binansagang “pambansang kamao.” Hands-on diumano si senator sa paghubog ng potensyal ng kanyang anak. Sa kabilang banda, ang nanay naman ni Jimuel na si Jinkee ay naiiyak na umano sa tuwing papanoorin ang kanyang anak. 

Nito lamang Pebrero ay sumabak sa isang exhibition match si Jimuel na kung saan ay agad nitong napaluhod ang kanyang kalaban. 

Kinatuwaan ng Netizens 

Natuwa naman ang mga netizen sa unti-unting pagpasok sa boxing industry ng anak ni senator Manny Pacquiao. Ganunpaman, kapansin-pansin sa netizens ang kagwaluhang taglay ng panganay ni pacman kaya naman suhestyon ng mga netizens ay mag-model na lamang ito at huwag ma magboxing.

Matatandaang nagpahayag ng kagustuhan si Jimuel Pacquiao na maging representante ng ating bansa sa larangan ng boxing. Hangad nito ay makapagbigay din ng karangalan tulad ng kanyang ama. Noong una ay tinutulan ito ng kanyang mga magulang partikular na ang nanay nito na si Jinkee. Napabalitang naiyak ito at nagmakaawa sa anak na huwag na pumasok sa larangan ng boxing. 

Jimuel Pacquiao, wagi sa kanyang unang amateur boxing fight via KO

Tila sumusunod na sa yapak ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang panganay niyang si Jimuel na sa kauna-unahan niyang amateur match, na-knock out niya ang kanyang kalaban! Sa mga Kapuso abroad, tumutok o mag-subscribe sa GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International para sa iba pang mga balita.

Posted by GMA News on Sunday, April 14, 2019

WATCH: Jimuel Pacquiao wins his semi-amateur bout against Miguel Egan via KO in 2nd round | via Dyan Castillejo, ABS-CBN News.

Posted by ABS-CBN News on Saturday, April 13, 2019

Full Video:

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *