Jocelyn Duterte, May Pakiusap sa Mga KAPA Investors na Nag-uusig sa Pangulo

Dahil sa lumalaking isyu ng pagpapasailalim sa imbestigasyon ng pulisya sa KAPA, nagbigay na ang pangulo ng order na ito ay ipasara. At dahil rito ay maraming nag-aklas na mga miyembro ng nasabing KAPA ministry. Karamihan rito ay mga investors nito na nagsasabing natutulungan umano ng KAPA. 

Pag-uusig Ng KAPA Investors 

Marami ang nag-uusig ngayo sa pangulong Duterte dahil sa pag-uutos nito na itigil ang operasyon ng KAPA. Aniya ay isa itong malaking scam na nakapanloko ng mahigit 5 milyong Pilipino. Sa kabila ng samu’t saring batikos sa pangulo, nagbigay ng pahayag at paalala ang presidential sister na si Jocelyn Duterte-Villarica. Sa pamamagitan ng Facebook ay nag-post ito ng isang mensahe para sa milyon-milyong Pilipino. 

“Bigyan natin ang Presidente ng pagkakataon kung itong KAPA ay legal at malinis. Responsibilidad niyang protektahan ang taong bayan! Kung talagang ito ay lehitimo at makakatulong sa mahihirap hindi niya ipagdadamot sa atin ito!”

Sapat Na Oras At Panahon

Hinikayat nito na bigyan ng oras at panahon ang pangulong Duterte na masiguro muna na legal at lehitimo ang KAPA upang sa gayon ay hindi ito makapanbiktima ng mga tao. At aniya sa oras na maging maayos ito at mapatunayang mabuti ang hangarin ay marapatin na ipagpatuloy at isalegal ang operasyon nito. Banat ni Jocelyn sa mga nag-aalburutong mga investors, 

“Pag mapatunayan na ang organisasyon na ito ay hindi isang scam, eh di ipagpatuloy… pero… bigyang liwanag muna kung hindi ba ito mauuwi sa wala sa bandang huli. Anong mawawala sa ganitong pamaaraan? Hindi nman sinabi ni Tatay na ipapasara ang kumpanya, itigil muna ang operation at imbestigahan kung paano ang pamamalakad ng kumpanya… makatotohanan ba at legal?”

Pyramiding Scams Na Nagdaan 

Dagdag pa nito,

“Kung mapatunayan yan, ako mismo ang mag-iinvest, sino ba ang hndi gustong kumita? Marami ng scam ang nangyari na, karamihan ang mahihirap at empleyado at retiree ang biktima.”

Inalala nito ang mga naunang mga pyramiding scam na naging kontrobersyal noon na nakapanglikom ng malaking halaga mula sa napakaraming investors nito. 

“Isa na doon ang Legacy at First Quadrant at iba pa. Okay lang sa umpisa, nang lumaki na ang investments biglang naglaho!” 

Konting Ingat 

Ani Jocelyn, makakabuting maging maingat ang lahat at hayaan ang gobyerno na gawin ang nararapat na aksyon upang protektahan ang lahat ng Pilipino. Hangad lamang umano nito ay mapabuti ang bawat isa at upang hindi malamangan sa kanilang iniingatang yaman. 

“Alam ko na ang karamihan, lalo na ang mga investor na kumita sa KAPA, at yong naniniwala na ito na ang sagot sa kahirapan, siguraduhin lang po natin, at kunting ingat. Bigyan ng pagkakataon na mapatunayan na legitimo ang lahat. Mabuti na yong sigurado tayo sa pinasok natin, na may katotohanan at kasiguraduhan!” 

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *