Jover Laurio, Bagsak na ang Reputasyon! Report ng “FB Boosted Posts”, Inilabas!

Trending na trending ngayon ang #PABoost at #ResiboGroup na siyang kinasasangkutan nina Kris Aquino, Nicko Falcis, at PAB owner, Jover Laurio. Dahil sa naging hidwaan sa gitna nina Aquino at Falcis ukol sa diumanong ninakaw na yaman mula sa aktres, nagkalabasan na ng mga itinatagong sikreto ang mga ito. Matapos isapubliko ang pagsasampa ng kaso ng aktres laban kay Falcis na syang dati nitong business partner at financial manager. Nauna nang inilahad ni Jesus Falcis, kapatid ni Nicko Falcis ang diumano pagpopondo ni Kris Aquino sa mga anti-Dutere blog posts sa pamamagitan ng Facebook boosts, partikular sa Pinoy Ako Blog. 

Bayaran 

Kaugnay ng isyung ito ay natuon ang atensyon ng mga netizen sa PAB ni Jover Laurio na syang walang habas ang paghampas sa gobyerno at sa presidente sa kahit anupamang isyu sa bansa. Sa isang post ng netizen na si Mark Lopez, inilabas nito ang mga blog posts ng PAB na syang binoost at sinasabing pinondohan ni Kris Aquino upang siraan ang gobyerno. Tinatawagan naman ni Lopez ang mga naging biktima ng mga boosted posts ni Laurio na sina James Deakin, ang mga tagasuporta ng president na sina Sass Rogando Sasot, Mocha Uson, Erwin Tulfo, Bongbong Marcos, Imee Marcos, Isabelle Duterte, Senator Win Gatchalian, at ang pangulong Duterte. 

Facebook Boost Report 

Inilabas ni Lopez ang detalyadong impormasyon ng mga boosted post ng PAB. Ayon kay Mark, 

“Eto po ang mga posts ni Jover Laurio na umaatake at pinalalabas niya na isang noble na laban para sa bayan… yun pala para sa bayad.” 

Dagdag pa nito, 

“Ganyan kawalanghiya ang mga dilawan.” 

Ayon sa record, tumataginting na 195,000 ang nagamit na pera para sa pagboost ng mga posts noong nakaraang taon lamang. Naging kaduda-duda para sa mga netizen ang kakayahan ni Laurio na maglabas ng malaking pera sa kabila ng kawalan nito ng trabaho.

Lalong umigting ang ispekulasyon na nasa likod ng mga pagpopondo na ito si Kris Aquino. 

Pabagsak Na Reputasyon 

Sa ngayon, nananatiling galit ang nararamdamang ng mga netizen dahil sa isyung ito. Naging tampulan ng pangungutya si Jover Laurio at Kris Aquino sa pagkalat ng isyu. Marami na ang tumatalikod kay Aquino ay tila sumasadsad pa paibaba ang reputasyon ni Laurio. 

PEOPLE OF THE PHILIPPINES…Attention po – President Duterte, Erwin Tulfo, Margaux Uson, Bongbong Marcos, Imee Marcos,…

Posted by Mark Lopez on Wednesday, January 16, 2019

Ito naman ang galit na komento ng ilang kababayan natin.

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *