Kagat ng Insekto, Maaaring IkAmaT₳y Ayon sa Isang Netizen

Isang netizen ang nagbigay ng babala sa posibleng masamang epekto ng kagat mula sa isang insekto. 

Kagat ng Insekto 

Ibinahagi ni Krystyna Salting ang kanilang naranasan ng kanyang asawa mula sa kagat ng insektong tinatawag na “fire ant.” Naunang makagat ang asawa nya at nakaramdam ito ng iba’t ibang sintomas. April 9 nang mangyari ang insidente nang makaramdam ng pagkahilo at lubos na pamumula ng balat at mata. Natakot siya sa pag-aakala na highblood ang asawa kaya naman minabuti nito na isugod sa ospital ang asawa. Dagdag pa rito ay nakaramdam ang asawa ni Salting ng pagsikip ng paghinga at nasusuka. Sa maraming test na ginawa ng doktor ay puro negatibo ang resulta. Nagtataka din ang doktor sa kung ano ang posibleng dahilan ng mga hindi magandang sintomas sa kanyang asawa. 

Posted by Krystyna Salting on Thursday, April 11, 2019

Fire Ant 

Hanggang sa nabanggit nito na bago ang insidente ay nakagat ito ng isang tila langgam na may pakpak. Ito umano ay isang fire ant at tipikal na lumalabas sa tuwing magtatag-ulan. At ito ay makikita na lumilipad sa ilaw. Ngunit nabanggit din ng asawa nito na kumain ito ng kikiam kung kaya ay mas nangibabaw ang hinala nila na ito ay dulot ng food allergy. 

Posted by Krystyna Salting on Thursday, April 11, 2019

Masamang Dulot 

Dumating ang April 11 nang si Krystyna naman ang nakaranas na makagat ng fire ant habang ito ay nagaasikaso ng kanyang burger business. Pansin nyang may lumilipad sa paligid at may kumagat sa kanyang leeg. Simula noon ay nakaramdam na sya ng parehong sintomas na pinagdaanan ng kanyang asawa. Nangati agad ang kanyang buong katawan at nangapal din ang kanyang labi. Nakaramdam din sya ng paginit ng buong katawan. Minabuti nyang mag-shower at doon ay nagsimulang manikip ang dibdib. Hindi rin sya makainom ng tubig dahil aniya pati internal organs niya ay namaga.

Posted by Krystyna Salting on Thursday, April 11, 2019

Uminom sya ng antihistamine na nireseta ng doktor sa asawa na syang nakapag-ibsan sa kanyang naramdaman.

Nabahala 

Nabahala naman ang mga netizen sa nasabing viral post. Maraming nagsasabi na ito ay gamo gamo na tipikal nating nakikita na lumilipad sa ilaw kapag uulan. Marami ang ngayon ay informed sa kung ano ang posibleng pahamak na dala mula sa kagat ng insektong ito. 

Posted by Krystyna Salting on Thursday, April 11, 2019

Ang buong Post:

“SHARE KO LANG PO TO AWARE EVERYONE. I MADE THIS POST IN PUBLIC SETTINGS PARA MASHARE DIN PO.

(INCIDENT 1)
APRIL 9,2019 UMULAN.UNG HUSBAND KO BIGLA NALANG NAHILO, AT SOBRANG NAMUMULA ANG SKIN NYA PATI MATA…NATAKOT AKO CAUSE WE THOUGHT HIGHBLOOD SYA SO I RUSHED HIM TO THE HOSPITAL… ANG SYMPTOMS HINDI SYA MAKAHINGA, SOBRANG PULA NG SKIN NYA AT NASUSUKA SYA, THE DOCTOR DID AN ECG & CBC TEST… BUT ALL RESULT WERE NEGATIVE… ININTERVIEW SYA NG DOCTOR CAUSE EVEN THE DOCTOR HAS NO IDEA OF WHAT’S GOING ON SINCE ALL THE TEST ARE NORMAL… SO NAMENTIONED NG HUSBAND KO NA MAY NAKAIN SYA SO THE DOCTOR SUSPECTED THAT IT MAY BE A FOOD ALLERGIC REACTION AND UN DIN ANG NAISIP NAMIN SINCE KUMAIN SYA NG KIKIAM EARLIER THAT DAY (kasi may allergies sya sa specific seafoods) PERO ASIDE FROM THAT NAMENTIONED NYA NA MAY KUMAGAT SA KANYA UN PARANG GAMO-GAMO BASTA UNG LANGGAM NA MAY PAK-PAK NA LUMALABAS KAPAG MAGTATAG-ULAN NA PALAGING LUMILIPAD SA MGA ILAW (FIRE ANT DAW PO ANG TAWAG DITO) (I’m sure pamilyar kayo dun ipost ko pic dito) SO AYUN NA NGA, PERO MAS INISIP NAMIN NA FOOD ALLERGIES UN..

TODAY (INCIDENT 2) APRIL 11,2019
WHILE COOKING OUTSIDE SINCE I STARTED NGA OUT BURGER BUSINESS, ETO NA NGA MUKA NGANG MAGTATAGULAN NA NAMAN AT MAKULIMLIM… SO MEDYO PAHAPON NA @ AROUND 6PM I TURNED ON THE LIGHTS… ETO NA ANG MGA LUMILIPAD NA LANGGAM… AT FIRST BINUBUGAW KO LANG THEN SUDDENLY I FELT NA MAY KUMAGAT SA LEEG KO… I DIDN’T BOTHER KASI NGA INIISIP KO GAMO-GAMO LANG AND I WAS SO BUSY ATTENDING CUSTOMERS ORDERS…BUT AFTER A WHILE NARARAMDAMAN KO SOBRANG KATI NG LEEG KO, THEN KUMALAT UNG KATI ALL OVER THE BODY FACE, ARMS, LEGS, NANGAPAL DIN ANG LABI KO, HEAD PATI YATA INTERNAL ORGANS KO NANGATI THEN I SUDDENLY FELT SO MUCH HEAT ON MY SKIN AT SA ULO KO… TUMAKBO AKO SA CR AT NAG QUICK SHOWER, THEN AFTER I SHOWERED HINDI NAKO MAKAHINGA, NANINIKIP PO ANG DIB-DIB KO, I ASKED FOR WATER PERO NG LUMUNOK AKO HALOS HINDI MAKADERECHO UNG TUBIG SA ESOPHAGUS KO, FEELING KO PATI LOOB NG KATAWAN KO NAG-SWELL.. SO MY HUSBAND GAVE ME ANTIHISTAMINE TABLET AS PRESCRIBED BY HIS DOCTOR SINCE SAME SYMPTOMS UNG NARAMDAMAN NAMIN… THEN UN SKIN KO NAGLABASAN NA UNG RASHES… PERO IT HELPED NA MEDYO NABAWASAN UN EPEKTO SINCE I TOOK THE MEDS..NGAUN PO MEDYO NAHIHIRAPAN PARIN AKO HUMINGA PERO NARELIEVE NAPO NG KONTI…

NAGSEARCH PO KAMI ETO PALANG URI NG GAMO-GAMO NA ITO AY FIRE ANT KUNG TAWAGIN THEN WINGED ANT NA SYA PAG MATURE NA MAY TOXIN ANG STING NYA WHICH CAN LEAD TO SEVERE ALLERGIES AND VERY FATAL.. RESEARCH NYO NALANG PO SA GOOGLE DELIKADO PO SYA HINDI PO BIRO… AKALA KO ORAS KONA KANINA NAGDASAL PO AKO….”

SHARE KO LANG PO TO AWARE EVERYONE. I MADE THIS POST IN PUBLIC SETTINGS PARA MASHARE DIN PO. (INCIDENT 1)APRIL…

Posted by Krystyna Salting on Thursday, April 11, 2019

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *