“Kapag Nagugutom ang Pilipino, ako ay Lalaban” – Gary Alejano

Sinasabing hindi maganda ang lagay ni Cong. Gary Alejano sa mga surveys sa 2019 senatorial mid-term elections. Naglabas siya noong Disyembre ng jingle ad kung saan hindi siya lumabas, ngunit ibinahagi niya ang mensahe na siya ang lalaban para sa Pilipino.

“Pag inagaw ang Inang Bayan/Alejano ang siyang lalaban/ ‘Pag nagugutom ang taong bayan/ Alejano ang siyang lalaban.”

Nagtapos ang ad na may isang lalaki na nagsabi “Gary Alejano, sundalo ng Pilipino.”

Sundalo ng Pilipino

Sa bagong ad na inilabas ni Alejano ngayon, ay siya na mismo ang laman. Nakadamit pangsundalo siya at nakatayo ng may background na watawat ng Pilipinas.

Binanggit rin niya ang nasimulang pangako sa una niyang jingle.

Sinimulan niya ang ad na tila nagbibigkas ng Panatang Makabayan. Nakataas ang kanan kamay at sinabing nanunumpa siya na ipapagtanggol niya ang sambayanang Pilipino.

“Kapag inaagaw ang Inang Bayan. Ako ang lalaban. Kapag nagugutom ang Pilipino, ako ay lalaban. Pag may inaapi, niloloko o abusado sa gobyerno, ako ay lalaban.”

Oposisyon Koalisyon

Si Gary Alejano ay isang ex-marine na naging parte ng 2003 Oakwood mutiny at ang 2007 Manila Peninsula siege bago siya sumabak sa politiko noong 2016, ayon sa kanyang jingle, siya ay lalaban sa gutom at korapsyon.

Si Alejano ay ang kauna-unahang nagsampa ng impeachent complain laban sa kasalukuyang presidente na si Pangulong Rodrigo Duterte. Subalit hindi ito umabot at pinanigan ng House of Representatives. Na ito namang inakusahan ni Alejano na tuta raw ni Duterte.

Tuloy ang laban

Sa kabila ng hindi pagsama ng pangalan ni Alejano sa “winner’s circle” ng mga kandidato sa pagkasenador, tuloy parin ang laban ni Alejano at nanunumpa na lalabanan ang korapsyon.

Ang mga netizens naman ay karamihan nagkokomento na sayang ang tapang niya at sa hindi maganda niya ginagamit. 

Gary Alejano

Ako'y nanunumpa na ipagtatanggol ko ang sambayanang Pilipino! Dahil pag inaagaw ang ating inang bayan, AKO AY LALABAN!, pag may inaapi, niloloko at abusado sa gobyerno AKO AY LALABAN! LALABAN AKO PARA SA BAWAT PILIPINO! #SundaloNgPilipino#GaryAlejano

Posted by Gary Alejano on Wednesday, January 16, 2019

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *