Kapitan Ng Barangay Sa Maynila. Nambugbog, Nanutok Ng Baril Sa Isang Menor De Edad

Isang 16 taong gulang na binatilyo ang pumutok ang ulo at nagtamo ng ibat- ibang sugat sa katawan matapos syang pagtulungan bugbugin ng mismong barangay captain at kagawad ng kanilang lugar sa Sta. Cruz, Maynila. Ang dahilan ng pambubugbog ay ang simpleng pagkakamali ng binata ng mapagkamalan nyang kagawad ang kapitan ng barangay.

Abuso Sa Kapangyarihan

Ayon sa ulat ng News5, ang nasabing kapitan ay si Felipe TJ Falcon Jr. ng Brgy. 350 sa Sta. Cruz, Maynila. Napagalaman na pumunta ang binatilyo sa barangay 350 para ibigay ang cellphone ng isang kaibigang hinuli ng barangay.

Nakasalubong ng binatilyo ang lasing na barangay captain na si Falcon, at hindi sinasadyang natawag niya ito ng kagawad. Dahil dito, nagalit si Falcon at inumpisahan na syang saktan sa kabila ng paghingi nya ng dispensa sa kanyang pagkakamali.

Pinagtulungan

Sinampal at pinalo ng kapitan ang binatilyo gamit ang dry seal at brass knuckle, na naging sanhi ng pagputok ng ulo nito. Nang subukang depensahan ng binata ang sarili, a ay pinagtulungan pang bugbugin ng kapitan, mga kagawad, at tanod ng barangay 350.

Ayon sa ama ng biktima na si Ranero Gelizon, umabot sa 6 – 8 katao ang nagtulong tulong para bugbugin ang kanyang anak. Bukod dito, ipinasubo pa diumano ng kapitan ang dulo ng baril nito sa anak.

Galit Ng Ama

Napasugod si Mang Ranero sa barangay matapos ipagbigay alam ng mga kaibigan ng anak nya ang nangyari. Nang sya ay kumatok sa pintuan, galit na binuksan ng kapitan ang pinto at nagsisigaw at ayaw syang papasukin sa loob ng barangay. Nagpangbuno sila para mabuksan ang pinto at ng siyang makapasok ay nakita nya ang anak sa isang tabi na naliligo sa sariling dugo.

Galit Ng Netizens

Maging ang netizens ay hindi mapigilang ilabas ang kanilang galit sa pang-aabuso ng kapitang ng barangay 350. Marami ang nagsasabi na dapat syang matanggal sa tungkulin dahil sa kanyang walang awang pambubugbog sa isang menor de edad. May ilan din na nagsabi na dapat mabulok sa kulungan ang kapitan at hindi siya karapat dapat na magsilbi sa bayan dahil sa kanyang kalokohan.

Ito ang reaksyon ng mga galit nating netizens:

Source: News5

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *