Kawawa mga Filipino kung Ma-impeach si Sereno – Rep. Kaka Bag-ao

Kawawa raw ang sambayanang Filipino kung sakaling ma-impeach si Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Ito ang naging pananaw ni Dinagat Island Rep. Kaka Bag-ao.

Ayon kay Kaka Bag-ao, sa isang eksklusibong panayaw sa kanya ng Bombo Radyo Bacolod, hindi lang raw ang Chief Justice ang kawawa kundi ang buong sambayanan kung walang kokontra sa maling proseso ukol dito.

Kaka Bag-ao
Photo from: Kaka Bag-ao/Facebook

Si Bag-ao ay isa sa dalawang kongresista na kumontra sa pag-impeach ng House Justice Committee kay Sereno kung saan 38 na mga kongresista ang pumabor.

Sabi pa ni Kaka Bag-ao, wala umanong napatunayan si Atty. Larry Gadon sa kanyang reklamo laban sa mahistrado simula noong impeachement hearing. Dagdag pa nito na si Gadon at ang Supreme Court Justices ay may samaan lang ng loob.

Matapang na sinabi rin ng kongresista na wala umanong dahilan upang paalisin sa pwesto si Sereno.

Naniniwala si Rep. Kaka Bag-ao na hindi lang raw kawawa si Sereno kundi pati ang mga Filipino dahil raw wala ng kokontra at magiging tikom na ang bibig ng Supreme Court.

Kaka Bag-ao
Photo from: Kaka Bag-ao/Facebook

Ayon sa wikipedia, si Arlene “Kaka” Bag-ao ay isang human rights lawyer at agrarian reform advocate na miyembro ng┬áKongreso simula pa noong 2010.

Kaka Bag-ao
Screenshot from: wikipedia (Arlene “Kaka” Bag-ao)

SOURCE: Bomboradyo

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *