Kiko Pangilinan, Umaasang Makakapasok pa ang Dalawang Kandidato ng Otso Diretso

Ngayon ay wala pang opisyal na tala ukol sa pinal na top 12 sa mga senatorial bet sa nagdaang halalan kahapon. Ganunpaman, di maikakaila na walang nakapasok kahit isa man sa lineup ng grupo ng Otso Diretso. Nagbigay naman ng pahayag ang presidente ng Liberal Party at campaign manager ng Otso Diretso na si Senatoe Kiko Pangilinan.

Hindi Pa Tapos Ang Laban 

Mensahe nito sa publiko ay mas maging mapagmasid at hintayin na matapos ang canvassing ng mga boto para sa senatorial race. Sa paglabas ng bagong update nitong alas-nuwebe ng umaga ay kapasin-pansin na walang nakapasok na isa sa mga bet ng Otso Diretso sa Top 12. Ganunpaman ay umaasa pa rin ito sa kabila ng pagiging unofficial ng resulta. Sa isang statement nito ay sinabi nito, 

“May pitong porsyento pa ng boto o mga 3 milyong boto na hindi pa nabibilang sa unofficial tally. Hihintayin natin ang huling resulta at mananatiling nakabantay.” 

Dagdag pa nito, 

“Baka sakaling sa nasabing nalalabing pitong porsyento ay maipanalo pa ng isa o dalawa nating mga kandidato ang kanilang kandidatura. Mananatili tayong mapagbantay hanggang sa dulo.” 

Top 12 Sa Halalan 2019 

Sampu naman sa mga nakapasok sa Top 12 ay mga pro-administration at dalawa naman independent ang napasama sa bilang. Ang may potensyal naman na miyembro ng Otso Diretso na may pag-asa makapasok o malapit sa Top 12 ay si Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino na nasa ika-14 na pwesto. 

Laban Para Sa Mga Pilipino 

Giit ni Pangilinan, kahit pa man hindi pabor sa kanilang partido ang halalan ay hindi rito natatapos ang kanilang laban para sa pagprotekta sa soberanya at ekonomiya. Idinagdag pa nito ang laban na matuldukan ang EJK at harassment diumano mula sa administrasyon at iba pang isyu ng bansa. Aniya, 

“Tuloy pa rin ang laban para sa katarungan, para sa kasarinlan at sa mas maunlad na bukas para sa ating mga kababayan. Tuloy ang laban.” 

Pag-usig nito, 

“Tumaya tayo at kumilos hindi dahil sa katiyakan ng panalo kundi dahil sa katiyakan ng ating paniniwala at panininidigan. Kaya anuman ang magiging resulta ng halalan, tuloy pa rin ang pagsulong ng ating panininidigan at paniniwala.” 

Komento Ng Netizens 

Nagpabatid naman ang mga netizens ng tila banta kay Senator Pangilinan na sa susunod na eleksyon ay ito naman ang malalagpag.

Tapos na umano ang pangloloko ng Partido Liberal sa bayan na syang matagal na panahon namayagpag. 

SOURCE:” Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *