Kilalanin Ang KAPA Founder Na Si Joel Apolinario

Kamakailan ay nagpulong sa General Santos City ang mga miyembro ng Kapa Community Ministry International, Inc upang hilingin kay pangulong Duterte na pigilin ang pagpapasara ng kanilang samahan. Ang nasabing prayer rally ay dinaluhan ng halos 500,000 miyembro na pinangungunahan ni pastor Joel Apolinario. Sino nga ba si pastor Joel at paano nagsimula ang kanyang pamumuno sa KAPA?

DJ At Technician Sa Radyo

Si Joel Apolinario ay isang simpleng empleyado na naninirahan sa Bislig City sa Surigao Del Sur. Siya ay nagtatrabaho bilang isang DJ at technician sa isang istasyon ng radyo sa Bislig. Dito sa lugar na ito unang sinimulan ni Joel Apolinario ang KAPA, sa kagustuhang makatulong sa kanyang mga mahihirap na kababayan.

Taong 2016 nang una niyang kinunan ng business permit ang Kapa bilang isang kooperatiba. Ito ay may pangalang Kapa-Co Convenience Store and General Merchandise. Isa ang katrabahong si Emmy Gala sa mga unang nagdonasyon kay Apolinario.

PagLaki Ng KAPA

Nuong taong 2017, pinalitan ni Apolinario ang pangalan sa Kapa Community Ministry International. Dito na rin nagsumulang lumago ang kanilang grupo. Ang sinumang magbigay ng donasyon sa grupo ay makakatanggap ng 30% interes sa loob ng 30 araw. Marami ang nag invest dito at marami rin ang bumilib sa “tulong” na ibinibigay ng KAPA sa mga miyembro nito.

Ng malaman ng lokal na pamahalaan ang ginagawang “blessing” o “gift” ng KAPA sa mga miyembro nito, ay nagimbestiga ito. Nalaman nitong wala silang “convenience store” at walang pagkukuhanan ng 30% interes na ibinibigay sa mga nagdonate. Ito ang dahilan kung kaya’t inerekomenda itong magsara.

Hindi Kami Scam!

Sa nasabing prayer rally na naganap sa GenSan, pinipilit ng grupo na hindi scam ang ginagawa nilang investment scheme kundi isang paraan upang matulungan ang mga miyembro. Ito ay sa kabila ng 102 estafa cases na isinampa laban kay Apolinario.

Samantala, sinabi naman ng pangulong Duterte na tigilan na ng KAPA ang kanilang gawain dahil sila ay maaaring makulong dahil dito. Pinayuhan niya rin ang mga tao na huwag magpapasilaw sa pera at huwag basta maniniwala sa mga grupong tulad ng KAPA.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *