Konstraksyon Ng Pinakamahabang Tulay Sa Bansa Na Panguil Bay Bridge, Sisimulan Na!

Ang sinasabing maambisyong government project na “Build, Build, Build” ay patuloy sa paghataw na kung saan ay unti-unting nasisimulan at nakakapagbigay ng trabaho para sa mga Pilipino.

Kamakailan lang ay naibalitang malapit na makumpleto ang New Clark City partikular na ang mga world class facilities na gagamitin sa darating na ASEAN games na gaganapin sa bansa.

Kasabay nito ay ang paggawa sa mga major road infrastructure at pagpapaunlad ng mga transportation terminals at mode of transportation tulad ng MRT at PNR. Layunin nito ang mabigyan ng kumportableng byahe ang mga mamamayan sa mga susunod na taon.

Panguil Bay Bridge Project

Nito lamang ay pinangunahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang groundbreaking ceremony sa Panguil Bay Bridge project. Ito ang tinatayang pinakamahabang tulay sa buong bansa sa oras na matapos ito. Sa pagsisimula ng pagpapahaba ng Panguil bridge ay tinatayang maraming trabaho ang alok sa mga Pilipino. Inaasahan din na maraming investors ang mahihikayat na pumasok sa ating bansa bunsod nito.

Pinakamahabang Tulay

Ang PBB project ay nagkakahalaga ng 7.8 bilyong piso at inaasahang matatapos sa taong 2021. Ang haba ng Panguil Bay Bridge na 3.7 km ay magpapaikli ng byahe mula sa Lanao Del Norte hanggang Misamis Occidental at sinasabing 7 minuto na lamang ang gugugulin ng mga motorista. Sa kasalukuyan, ang rutang ito ay binabaybay sa pamamagitan ng bangka o barko sa loob ng isa at kalahating oras sa pamamagitan ng bayang Tangub at Tubod.

Korea Economic Development Cooperation

Ang orihinal na halaga ng proyektong ito ay 4.8 biluon ngunit umabot ito ng 7.8 dahil sa pagbaba ng piso kontra dolyar. Ang proyektong ito ay pinangungunahan ng Korean Economic Development Cooperation. Sa speech ng pangulong Duterte, pinahahalagahan nito ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Korea bunsod ng Korean war.

Sa groundbreaking ceremony ay dumalo din si Governor Imelda Dimaporo na sumalubong sa Pangulo, DPWH Sec Mark Villar, Korean ambassador to the Philippines Han Dong-man. Ayon kay DPWH Sec. Villar, ang PBB ang pinakauna sa 16 na tulay na nakapaloob sa Build, Build, Build project.

Layon ng BBB na mapagdugtong-dugtong ang Luzon, Visayas, at Mindanao. Lubos ang pasasalamat ni Gov. Dimaporo dahil ang PBB ang daan para maging mas maunlad pa ang kanilang bayan.

#UlatBayan | Pangulong #Duterte, nanguna sa groundbreaking ng Panguil Bay Bridge Project

#UlatBayan | Pangulong #Duterte, nanguna sa groundbreaking ng Panguil Bay Bridge Project

Posted by PTV on Saturday, December 1, 2018

Ito naman ang naging komento ng ilang kababayan natin tungkol dito.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

1 thought on “Konstraksyon Ng Pinakamahabang Tulay Sa Bansa Na Panguil Bay Bridge, Sisimulan Na!

  1. Basta proyekto ni PDU30 walang news ang ABS-CBN at Philippine Inquirer, bakit kaya? Di bale siguro hintay sila ng dalawang taon sa pagputol ng ribbon para magamit na ang tulay bago maging balita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *