Kostumer at Staff ng Shell, Nagtalo Dahil sa P10 Toilet Fee!

Isang Facebook account na nasa pangalang Bass Man ang nagpost ng isang viral video ukol sa paniningil umano ng sampung piso sa mga customer sa isang gas station.

P10 Toilet Fee 

Sa video ay makikita ang diskusyunan ng manager ng isang Shell Station at biyahero sa Gapan Hi-way sa San Fernando, Pampanga along North Luzon Expressway. Sa video ay tinatayang mag-ama ang nakikipag-argumento sa kakaibang batas na ipinapatupad sa nasabing gas station. Doon umano ay sisingilin ng sampung piso ang bawat kostumer na gagamit ng palikuran at kapalit ay stub na maaaring magamit sa pagbili sa conveniene store na Select sa mismong gas station din. 

Viral Video 

Binabanggit pa sa video ng diumano ama ng nagpost na si Bryan Baynosa Arabiana na kailangan ito makarating sa Department of Energy dahil umano labag ito sa panuntunan. Giit nila ay nagpa-gas sila ng higit isanlibo sa dalawa nilang sasakyan. Hirit nila ay libre ang paggamit ng palikuran sa bawat gas station at iginigiit ang sampung piso na sinisingil. Maya maya pa ay lumabas na ang isang staff na nagngangalang “Rowell” na syang nagbigay ng mas malinaw na paliwanag ukol sa nasabing panuntunan. Aniya ay may basbas ng kumpanya ang nasabing polisiya. Ngunit nang tila nagkakainitan na ay nagbabanta na ang nagvivideo sa staff na huwag taasan ang boses nito sa pakikipag-usap sa kanyang tatay. At dahil dito ay nagbunsod ito ng pagpost ni Arabiana ukol sa naging trato umano ng staff sakanila. Banat lang ng staff, ang nasabing polisiya ay tulong diumano sa “Select”, ang convenience store na nakatayo sa mismong Shell station. Hindi rin umano sapilitan ang paniningil ng bayad para sa palikuran. 

Sa post ni Arabiana ay tinatawagan nito ang atensyon ng DOE at nabanggit pa sa video na ipapa-Tulfo ang nasabing station. 

Binatikos ang Mag-ama 

Inulan naman ng batikos ang mag-ama na nagreklamo sa diumano ay kakarampot na sampung piso. Binash ng netizens ang sinasabi nilang hambog na mag-ama na umano ay nagawa pang magreklamo para sa maliit na halaga. Ayon sa netizens, marahil ito ay pantulong lamang sa maintenance ng kalinisan ng mga palikuran sa station upang makapagsilbi ng maayos sa mga gagamit nito. 

P10 lang nag iskandalo na 😂

Posted by Bass Man on Sunday, April 21, 2019

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *