Kotseng Pa-raffle Ng SM Bacoor, May Hokus Pokus Nga Ba?

Isang video ang kumakalat sa internet ngayon ukol sa umano’y pandaraya ng mga opisyal ng SM Bacoor, habang kanilang binubunot ang diumano’y nanalo ng kotse sa kanilang Raffle promo.

Swerte

Lahat tayo ay umaasam na swertehin. Sa hirap ng buhay ngayon, tila mahirap abutinang ating mga pangarap kung hindi tayo aayunan ng swerte. Ito ang dahilan kung kaya’t marami ang tumataya sa Lotto, upang mabago ang kanilang buhay sa isang iglap. Ito rin ang dahilan kung bakit marami sa atin ay mahilig din sa mga pa raffle tulad ng madalas na ginagawa sa mga malls at supermarket.

Ngunit paano kung ang swerteng ating inaasahan ay malabong dumating sapagkat ang paraffle ay isang palabas lamang? Paano kung ito ay isang modus lamang ng mall para dumami ang mamili sa kanila? Paano kung hindi pa man nabubunot ang pangalan ay may nakatakda ng manalo?

Hokus Pokus

Sa isang video na kumakalat sa internet ngayon, kabilang na ang ibinahagi ng Trending TV sa kanilang Facebook page, makikita ang mga kawani ng SM Bacoor na binubunot ang mananalo ng kotse na syang major winner sa kanilang pa raffle. Naroon din ang isang kawani ng DTI-Cavite bilang saksi.

Ang pagdududa ng mga netizens ay nag-ugat sa kakaibang ikinilos ng SM executive na kumuha ng winning raffle tiket mula sa tambiolo. Makikitang hindi nya inaalis ang kanyang kaliwang kamay sa kanyang bulsa, habang kumukuha sa malaking tambiolo. Kahit nahihirapan na sya sa pagdukot ay hindi nya sinuportahan ng kanyang kabilang kamay ang tambiolo, at ng may nahulog na tiket, kinailangan pang pulutin ng isang kawani dahil tila ayaw tanggalin ng SM executive ang kanyang kamay sa bulsa.

Magic

Nang makakuha na sya “ diumano” ng nanalo, bigla nyang inalis ang kaliwang kamay at iyon ang ginamit para ibigay ang”nanalong tiket” sa DTI representative. Marami tuloy ang nagduda na baka may hawak na syang tiket sa kanyang kaliwang kamay at ito ay kanyang itinago sa kanyang bulsa, at ito din ang iniabot sa DTI representative. Bagamat hindi nakasisiguro ang mga netizens, sinabi nila na dapat imbestigahan ang naturang raffle promo dahil sa kakaibang ikinilos ng SM executive na iyon.

Eto yung raffle na may dayaan, hindi inaalis ni kuya yung kaliwang kamay nya sa bulsa habang bumubunot ng winner, tapos nung nakabunot na kunwari inabot nya sa babae pero may hawak na pala syang winner na inabot.. nagpa raffle pa kayo kung wala naman talagang mananalo, dapat nag hire na lang kayo ng magician para mas kapani-paniwala.. sa SM Bacoor po ito, Shopping lang daw ng shopping may chance daw kayo manalo ng brand new car.. haha! paki SHARE na lang po para makarating sa DTI pinagagawa nila at wag tayo magpapaloko sa mga promo nila..

Posted by Trending TV on Tuesday, October 23, 2018

Ito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens.

Ano ang iyong reaksyon sa videong iyong nakita?

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *