Lacson, Binara ang Insultong Pahayag ni UN chief Zeid Ra’ad Al Hussein

Umalma at binara ni Senador Ping Lacson si United Nations High Commissioner Zeid Ra’ad Al-Hussein dahil sa pahayag nitong magpatingin sa psychiatrist si Pangulong Rodrigo Rodrigo.

Ayon kay Lacson, hindi umano nararapat sa level ng isang UN human rights chief ang katulad ni Zeid Ra’ad Al-Hussein.

“Coming from a high official of the United Nations, mukhang uncalled for, mukhang hindi nararapat lalo’t sa kaniya nanggaling. Diba dapat medyo mataas yung level niya, lalo na’t sa edukasyon, sa demeanor at lahat?”

Ping Lacson
Photo by LeAnne Jazul/Rappler

Dagdag pa ng Senador, Nasa 16-Milyong Filipino umano ang bumoto kay pangulong Duterte at hindi raw karapat dapat na mainsulto ito ng isang banyaga.

“Mahigit labing-anim na milyon ang bumoto kay Pangulong Duterte at ‘yun ay bahagi ng ating demokrasya. Para mainsulto ng isang hindi naman natin kababayan, sa akin parang hindi nararapat.”

Lacson
Photo From: Ping Lacson

Sabi pa ni Lacson, kung nababastusan umano sila sa pananalita ng pangulo ay bakit nila gagayahin.

“Kung sa tingin nila ay pambabastos yung ginawa ng pangulo, at marami sa atin ganun din ang pananaw, e bakit naman nila gagawin yung sa tingin nila ay maling pananalita? Saan sila lulugar nun?”

“Sinasabi nila mali. Pero sinasabi rin ba nilang tama yung pang-iinsultong ginagawa ng pangulo kasi ganun din ang ginawa niya?”

Ping
Photo from: canadian inquirer

Pahayag ni UN chief Zeid Ra’ad Al Hussein

Umalma si Zeid Ra’ad Al Hussein dahil rin sa naging pahayag at banat ni pangulong Duterte laban kay UN Special Rapporteur Agnes Callamard at akusasyon na isang terorista si UN Special Rapporteur on the Rights of Indigenous Peoples (IDPs) Victoria Tauli-Corpuz.

“These attacks cannot go unanswered, the UN Human Rights Council must take a position,”

“He needs to submit himself to some sort of psychiatric examination. This kind of comment is unacceptable, unacceptable,”

UN
Photo From: Times Of Israel

SOURCE: GMA NEWS

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *