Laguna Lake Highway Na May Bike Lane Na, Toll Free Pa, Binuksan Na Sa Publiko

Nitong nagdaang Nobyembre 15, 2018 ay pinasinayaan ng Department Of Public Works and Highways (DPWH) ang pagbubukas ng Laguna Lake Highway. Ito ay isang toll-free highway na magkokonekta ng silangang bahagi ng Maynila patungo sa ilang lalawigan ng Rizal.

Bawas Sa Trapik

Ang pagbubukas ng nasabing highway ay inaasahang makatulong sa pagluwag ng trapiko lalo na sa EDSA, na sa kasalukuyan ay may matinding problema sa trapik na tinatawag ng ilan na “carmageddon”. Makakatulong din itong maibsan ang trapik sa C5, isa sa mga trapik na lugar bukod sa EDSA.

Ayon sa DPWH, ang byahe mula Bicutan papuntang Taytay, Rizal ay mas mapapabilis. Kung dati ay isang oras ang tagal ng byahe, dahil sa binuksang toll free highway, ito ay mapapabilis ng 30 minuto o mas mabilis pa.

Ito rin ang magsisilbeng dike para sa mga residente ng Taguig, ito ang kanilang magiging proteksyon sa mga backflow ng tubig mula sa Laguna Lake.

Ceremonial Drive Through

Dumalo sa isinagawang ceremonial drive through si Public Works secretary Mark Villar, ang butihing mayor ng Taguig na si Lani Cayetano, and Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at ilang mga opisyal ng Taguig City government.

Ang nasabing proyekto ay sinimulan noong Mayo 2016 at may pondong 1.2 Bilyon. Ito ay natapos ng maaga sa target nitong pagbubukas na 2019 kung kaya’t marami ang natuwa sa mabilis na pagtapos ng proyekto.

Bike Lane

Ipinagmamalaki ding sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na ang Laguna Lake Highway ang kinaunahang national road na may dedicated bike lanes para sa mga siklista. Bukod sa bike lane na may sukat na 3 metro, mayroon ding itong 2 metrong lapad na planting strips. Ito ay bukod pa sa sidewalks at mga ilaw at kumpletong safety signages.

Layon ng Laguna Lake Highway na mabigyan ng mabilis, maayos, at ligtas na karanasan ang lahat ng bumubyahe dito, hindi lamang ang mga motorista kundi ang mga nagbibisikleta at naglalakad.

Laguna Lake Highway, binuksan na

#SentroBalita: Laguna Lake Highway, binuksan na

Posted by PTV on Wednesday, November 14, 2018

Ito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens sa bagong proyekto ng pamahalaan:

Source: PTV

Comments

comments

2 thoughts on “Laguna Lake Highway Na May Bike Lane Na, Toll Free Pa, Binuksan Na Sa Publiko

  1. Kaya nila Kay Pres. Digong kasi hindi sila kikita dito at habang Nsa pwesto so Digong, corruption ay kontrolado Kaya gusto nila ibagsak by hook or by crook. Ganon lang yon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *