Lalaki, Niloko Ng Nabuntis Nyang Girlfriend, May Ibang Asawa Pala!

Ngayong araw ay ipinagdiriwang ang araw ng mga Tatay o Father’s Day. Kaugnay nito ay nagtawag ang programang Wowowin ng mga single dad sa kanilang show. Doon ay nagbahagi ang isang tatay na may kakaibang kwento ng kanyang buhay bilang tatay at nanay na rin ng kanyang anak. 

Single Dad 

Si Ken na isang call center agent ay nagbahagi ng kanyang kumplikadong kwentong buhay sa Wowowin. Ibinahagi nito na mayroon itong anak ngunit walang asawa. Ikinuwento nito na nakilala nito ang nanay ng kanyang 1-taong gulang na anak na babae sa Facebook. Sa pamamagitan ng social media ay nagkaroon ng ugnayan si Ken at ang ina ng kanyang anak habang ito ay nasa abroad at nagtatrabaho sa Qatar. 

Ang Panloloko 

Nang makauwi ng bansa ay tumira sakanya ang babae at sa kalaunan ay nabuntis nito ito. Nang mangyari ay inaya ito ng kasal ni Ken ngunit sagot ng babae sakanya ay hindi sila pwede maikasal dahil kasal ito sa iba at may mga anak. Doon ay napagtanto ng binata ang panloloko sa kanya ng ginang. Sa kagustuhan na huwag masira ang pamilya ay nagpahayag ito ng pagnanais na hindi ituloy ang pagbubuntis ngunit hindi pumayag si Ken at sinabing pananagutan nito ang bata. 

Nagtago sakanya ang ginang nang ilang buwan hanggang sa maipanganak ang bata. Hanggang dumating ang araw na umalis na ito nang tuluyan at iniwan silang mag-ina. Si Ken ang tumayo bilang nanay at tatay ng kanyang anak. Pagbabahagi nito, dumating ang oras na ilang araw itong hindi nakakapasok sa opisina at pinapakiusapan na ng kanyang boss na ito na ang mag-aalaga sa bata. Minsan ay iniiwan pa nito ang bata sa guwardiya sa kanilang kompanya upang makapagtrabaho ito. 

Mahirap Na Sitwasyon 

Mapaminsan naman ay iniiwan nito ito sa kanyang nanay o kamag-anak, depende kung sino ang handa at may oras na mag-alaga sa bata. Kita ang sama ng loob at sakit na nararamdaman ng binata dahil sa kinahantungan ng kanyang buhay. Ganunpaman ay lubos ang pasasalamat nito sa kanyang ina na laging handa na umalay sa kanya kahit pa man may anak na ito. Maluwag naman na ang loob ng kanyang nanay dahil sa wakas ay diumano naibahagi na nito ang istorya nito na hindi masabi sa maraming tao. 

Kinabiliban Ng Netizens 

Mensahe naman ni Ken sa nanay ng kanyang anak ay sana maging masaya ito sa buhay nito. Inamin din nito na nasaktan ito ngunit panalangin nito ay kasiyahan para sa ginang.

Sinaluduhan naman ng netizens ang binatang ama dahil sa pagiging magandang ehemplo nito sa paghawak sa responsibilidad. Ramdam ng netizens ang bigat ng sitwasyon nito at kita aniya ang pagiging sinsero nito bilang tao. 

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *