Lalaki Pinutol ang Sariling Daliri Dahil Nagkamali sa Pagboto

Isang lalaki sa India ang boluntaryong pinutol ang kanyang daliri matapos siyang magkamali sa pagboto ng kanyang piniling partido sa ginaganap na eleksyon ngayon sa bansang India. Ayon sa botanteng si Pawan Kumar, siya ay nalito sa mga simbolong ginamit kung kaya’t mali ang kanyang nailagay sa balota. Sa matinding inis at galit sa sarili ay ipinasya niyang tagain na lamang ang daliring ginamit sa pagboto.

Ipinagkanulo Ng Daliri

Sa bansang India, ang katapatan at loyalty ay isang importanteng katangian na itinuturo ng Islam kung kaya’t ganun na lamang ang dismaya sa sarili ng isang botante ng magkamali siya sa pagboto ng partido sa ginaganap na eleksyon ngayon sa kanilang bansa. Simbolo lamang ang ginagamit na batayan sa balota sa pagpili ng napupusuang partido.

Ayon sa botanteng si Pawan Kumar, siya ay nalito sa simbolong dapat gamitin kung kaya’t siya ay nagkamali at naibigay ang kanyang boto sa kalabang partido. Sa inis at dismaya sa sarili, paguwi nya ng bahay ay tinaga niya ang sariling daliri.. Sinabi niyang ito ay kusang loob niyang ginawa at hindi napagutusan ng anumang partido.

Simbolo Lamang

Ang ginagamit ng mga botante sa pagboto sa bansang India ay pawang mga simbolo lamang. Ang partido ng Prime Minister na si Narendra Modi ng Bharatiya Janata party ay isang lotus o bulaklak, samantalang ang kalabang partido naman na kumakatawan sa Uttar Pradesh state na Bahujan Samaj Party ay sumisimbolo ng isang elepante.

Dala marahil ng pagkalito sa mga simbolo, imbes na suportahan niya ang kanyang gustong partido na Bahujan Samaj Party, ang naboto ni Pawan Kumar ay ang kabilang partido. Sinabi ni Kumar na gusto niyang iboto ang elepante ngunit nagkamali siyang naiboto ang lotus.

Tinaga Ang Sariling Daliri

Dahil sa nagawang pagkakamali, sinisi ng husto ni Kumar ang sarili. Bagama’t wala namang parusa sa sinumang magkamali sa pagboto, ipinasya ni Kumar na parusahan ang sarili sa pamamagitan ng pagtaga sa sarili niyang daliri, ang hintuturo na mismong ginamit niya sa pagboto.

Bagama’t hindi maganda ang ginawa ni Kumar sa kanyang sarili, isa itong patunay na isinasapuso ng mga tao sa India ang pagboto, hindi katulad sa ating bansa, na may mga taong ipinagbibili ang kanilang mga boto sa maliit na halaga.

Matapos malaman ang kaniyang pagkakamali, dali-daling umuwi ang lalaki at tinaga ang kaniyang hintuturo.

Posted by ABS-CBN News on Friday, April 19, 2019

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *