Lalaking Ikinasal sa Dalawang Babae, Naging Tampulan Ng Usapan Sa Mga Netizens!

Ang pagpapakasal ay isang sagradong paraan upang opisyal na maging legal ang pagsasama ng dalawang tao sa harap at mata ng Diyos. Ito ay eksklusibong pinaniniwalaang pagsasama lamang ng dalawang tao na syang normal para sa marami sa atin. Ngunit hindi lahat ng paniniwala sa parehong aspeto ay may kaakibat na parehong batas at paniniwala.

Ang pag-ibig ay walang kinikilalang edad, paniniwala sa iba’t ibang aspeto, at estado sa buhay. Ika nga, kapag ikaw ay pinana ni kupido, siguradong wala kang kawala- sa pagibig.

Bagamat normal ang makakita ng tipikal na kasal na pinagsasaluhan lamang ng dalawang tao, isamg kakaibang seremonya naman ang nag-viral kamakailan lang nang maikasal ang isang lalake sa dalawang babae sa pareho at sabay na araw. At sa isang seremonya lamang.

Kakaibang pagpapakasal

Sa isang post ng isang Facebook netizen na si Joanna Nanangga, binati nito ang mga tatlong bagong kasal at hiniling na maging matiwasay ang pagsasama ng mga ito at mamuhay nang walang samaan ng loob sa isa’t isa. Ang mga litrato na inupload sa social media ay nagpapakita ng matagumpay na seremonya na kung saan ang tatlo ay nakangiti at masaya. May isnag litrato na kung saan ay nakahagkan ang lalaki sa dalawang babae na syang asawa na nito.

Komento ng mga netizen

Ganunpaman, marahil hindi normal sa paningin ng madami, naging tampulan ito ng pagkastigo mula sa ibang netizen. Ipinagtanggol naman ng iba ang nasabing post, marahil ay hindi laganap sa mga ito ang paniniwala ng iba ukol sa relihiyon. Aniya pa, hindi dapat maging mapanghusga ang mga netizen kapalit nang hindi paghusga ng mga ito sa paniniwala ng iba. Ang nasabing tradisyon ay sagrado base sa mga paniniwala ng mga ito.

Isang netizen naman ang nagpahayag na base sa nakikita nito ay hindi pinahahalagahan ang mga babae sa nasabing relihiyon kaya naman tampulan din ito ng usapan sa mga komento. Ang ibang mas nilawakan o masasabing malawak ang isip ay nagpahayag ng pagbati para sa tatlo. Marami din ang nagpahayag ng pagrespeto sa tradisyon at paniniwala ng iba. Ayon pa, ang tradisyon na ito ay pinapahintulutan hanggat kaya at may kapabilidad ang lalake na suportahan ang dalawang pamilya.

Congrats sa inyong tatlo ❤️ maging masaya kayong magkakasama magbigayan sa lahat ng bagay ❤️😇 dahil mas masarap mabuhay ng walang kasamaan ng loob!😘 always wear your SAB’R!💕 we loveyouu both ❤️

Posted by Joanna Nanangga on Monday, October 15, 2018

Ito naman ang ilan sa naging reaksyon ng mga kababayan natin.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *