Lalaking Walang Utang Na Loob At Nagnakaw Pa Sa Dating Ka-Live In Ibinunyag Ng Babae!

Isang babae na napagod na sa sobra sobrang pasakit na dinanas niya sa kanyang ex-boyfriend ang nagpost ng kanyang saloobin sa Facebook.

Ayon sakanya, hindi naman niya ugali na magpost ng mga pribadong bagay sa social media. Subalit sa lahat ng hirap at pasakin na binigay ng lalaki sakanya, ay ito pa ang may ganang manira at manumbat sakanya. Kaya nagpasya na siya na ipagtanggol ang sarili.

Walang utang na loob

Sa kwento ni LA Manalo sa Facebook, magisa nalang ang lalaki, at pati ang pamilya nito ay itinakwil na siya, kaya naman kinupkop siya ng pamilya ni Manalo, pati ang mga magulang nito ay tinanggap siya sa bahay nila.

Sa katunayan, ang nanay ni Manalo pa ang naging daan para magkaroon ng maayos na trabaho si Aaron Paul Samarita. Siya ang gumastos para sa requirements, allowance at pagkain ng lalaki.

Abusado

Isa pang rebelasyon na ibinunyag ni Manalo ay ang pagiging mapanakit at abusado ni Aaron sakanya. Sa loob ng dalawang taon na naging sila, parati siyang pumapasok na may sugat at pasa.

Nung nabuntis na siya at nanganak ng maaga dahil sa stress, ang ipinangakong “bayad” ni Aaron sakanya ay wala ni singkong napala. Isa pang nakakasuklam na nangyari ay nasa hospital palang daw sila ay sinaktan na siya nito uli.

Babaero

Isa kwento pa ni Manalo ay nung nagtatrabaho si Aaron ay madalas na gabe na umuuwi at kung umalis naman ay ubod ng aga. May isang beses pa na nagpaalam siya na babantayan ang nanay niya na nasa ICU, pero noong umuwi ay puro kalmot sa likod at may mga chikinini. Tanda na nambabae lamang ito at hindi naman nagbantay.

Dahil dun, pinalayas na siya ni Manalo, ngunit nagaway sila dahil ayaw ibigay ni Aaron ang ATM ni Manalo. Itinakbo niya ito at itinakas. Ibinalik makalipas ang dalawang araw ngunit napagalaman ni Manalo na nakapag withdraw na pala ng 40 si Aaron.

Utang

Sa ngayon, ang habol nalang ni Manalo ay ang mabayaran ni Aaron sakanya ang ninakaw nito na 40k. Hindi na siya naghahabol sa kahit anong suporta na alam niyang hindi naman ibibigay ni Aaron, subalit ang nais niya lang ay mabayaran siya nito at matigil ang “pa-victim” at paninirang puri nito sakanya.

Magscroll upang makita ang mga larawan na kaakibat ng post ni Manalo.

Ang Full Post

“Hello everyone. Please help me spread this para wala na syang maloko pang ibang tao.

Sa totoo lang ayoko umabot sa ganto. Hindi ako yung tipo na magpopost at ipapahiya sarili ko sa facebook lalo sa mga gantong bagay. Nahihiya ako para sa family ko at lalo na sa anak ko. Pero this is just too much. I have to do this dahil sobra na pambabaliktad mo at pag gawa mo ng kwento. Barbero ka pa din.

This is all about my ex, the father of my child. AARON PAUL SAMARITA.

Kami for more than 2 years pero sa 2 years na yun grabe ang verbal at physical abuse nya sakin. Pinagtakpan ko dahil wala na syang pamilya. Pati family nya tinalikuran na sya. Alam ng mga kaibigan ko at ka work ko pumapasok ako may sugat, may pasa. Hanggang sa sorry for the term, pero binuntis na nya ako dahil sobrang praning nya ayaw na daw nya na makawala ako.

To make the story short, after all ng ginawa nya sakin nag-ayos kami at nagsama sa bahay namin. Wala syang trabaho. Si Inay ko na kakamatay lang recently, ang nag finance lahat lahat para makapag work sya. Requirements, allowance, food lahat. At ayun nakapag work nga sya ng maayos. Everytime pag uusapan panganganak ko lagi nya sinasabi sya ang bahala. Gagawa sya ng paraan. Sya sasagot lahat. Buntis ako pero di pa din natigil ang physical at verbal abuse nya. Lahat tiniis ko para sa buong pamilya. Hanggang sa sobrang stress at trauma dahil sa abuse, na abruptio plancenta ako. 8 months nanganak na ako, emergency CS. Ako nauubusan na ng dugo, kung walang available na dugo sa ospital baka patay na ako. All because dun sa series of abuse na naganap during the entire pregnancy. Nanganak ako bill was 160k pero ni piso wala kang binayaran. Saya di ba? Nagalit ako nun dahil ilalabas na ako sa ospital wala syang pambayad. Family ko sumagot lahat. At yun na nga hindi pa ako naiilabas sinaktan na nya ako sa ospital. Ibinalya sa kama at ambang susuntukin pa. Ibang klase dba. You can only imagine yung post partum depression na dinanas ko.

Nag wowork na sya. Madalas late na umuwi. Maaga pumasok. Until nun 2nd month ni baby hindi sya nakauwi dahil na ICU daw mom nya. Babantayan nya. Ako naman sige payag hanggang sa umuwi kinabukasan na puro kalmot sa likod at may chikinini sa dibdib. Ibang klase. Dinahilan pa nanay para lang makapang babae. Pinapalayas ko na sya pero ayaw nya ibalik atm ko. Gusto pa akong saktan dahil lang gusto nya maitakas yung atm. Si gago tinangay sumakay ng bus at kinabukasan na nya ibinalik. Kukuhanin lang daw nya yung pera na nailagay nya sa atm ko. Nung makauwi sya, pinalayas ko na sya dun na ako nag decide na tama na. Yung atm ko binalik nya naka withdraw na pala sya ng 40k. Pero syempre hindi yun 1 araw lang winithdraw. At yun hindi na sya bumalik pa.

Walang child support. Nagsabi pa sya sakin na kaya hindi sya makapag support e dahil wala syang work. Only to find out na maganda ang takbo ng career nya at sobrang luho at porma pa sa office nila. Sakin lang, ibalik mo ang pera ko. 40k din yun. Tapos mag me message ka, ikaw pa galit. Bakit daw ba kelangan pa ipag birthday ng magarbo baby namin??? Anung klaseng tatay ka. Sorry kelangan na umabot dito. Humingi ka ng palugit sabi mo before mag final week ng OCTOBER para sa ninakaw mo. Tapos ngayon ni isang paramdam wala. Talagang pinak extend mo lang pala para lalo ka makatakas sa responsibility mo.

Sa sobrang gago mo cellphone ko pa gamit mo sa pakikipag landian mo hindi na kayo nahiya. Sobrang dami mong kasamaan na ginawa sakin. To the point na mag e eskandalo ka sa harap ng bank dahil ayoko withdrawhan ang SARILI KONG PERA para makabili ka ng cellphone. Tapos the next day wala na ang cellphone.

Ngayon sinasabi mo sakin nag iimbento ako? Ibang klase ka. Ikaw ang gawa gawa kwento. Wag mo ko pagmamalakihan dahil kung hindi dahil sakin wala ka dyan sa trabaho mo ngayon. Malamang homeless guy kana ngayon. Kesyo kayo may ari kayo ng perpetual school at hospital, taga Italia 500 ka at doctor ang father mo. Yan ang modus mo para makuha tiwala ng tao.

I hope matigil na ang pambabaliktad mo sakin at pagpapa awa na kunwari ikaw ang api. Sa mga fandom ni Aaron, kung ayaw nyo maniwala wal akong pakialam sa nararamdaman nyo. See for yourself na lang. 😊

Ayoko gawin to dahil di ka worthy para sa time, energy at galit ko pero yung ako ang binabaliktad mo at nagiging kahiya hiya, hindi ako makakapayag.

Ganto din ginawa mo sa ex mo yung pambayad nya ng hospital bill ninakaw mo at grabe mo syang siraan sakin only to find out sya ang nagsasabi lahat ng totoo.

I believe in karma. I am telling you lahat lahat ng pinaranas mo sakin babalik sayo. Karma will haunt you for the rest of your life ten times worse pa sa ginawa mo.”

Hello everyone. Please help me spread this para wala na syang maloko pang ibang tao.Sa totoo lang ayoko umabot sa…

Posted by LA Manalo on Friday, November 2, 2018

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *