Landslide Sa Benguet, Nakunan Ng Video Ng Pasahero Ng Bus

Isang landslide na naganap sa Man-asok, Buguias, Benguet ang nakuhanan ng video ng isang pasahero ng bus, matapos silang muntik ng abutin ng nasabing landslide.

Pagguho

Sa isang videong ibinahagi ng netizen na si Kersee Sanggoy Masillem sa Facebook, makikitang nakaligtas ang bus na kanilang sinasakyan mula sa pagguho ng lupa mula sa bundok. Sa simula ng video ay maliliit na bato lamang ang makikitang nahuhulog mula sa taas ng bundok, ngunit di nagtagal ay palaki na ng palaki ang mga batong nalalaglag.

Maya maya pa ay makikitang ang buong lupa na ang bumagsak sa daanan ng mga sasakyan, at unti unti na itong papalapit sa kinaroroonan ng bus. Pati mga puno ay nabuwal na din at makikitang nahuhulog sa kalsada. Maririnig ang driver na sumigaw sa mga kapwa sasakyan sa likod na umatras.

Sa kabutihang palad ay hindi naman inabot ng landslide ang bus. At bagamat nakakapangilabot ang eksena sa video, wala namang nasaktan na pasahero o motorista sa nangyari.

Landslide

Ayon sa Mines and Geo Sciences Bureau, ang landslide ay ang pagguho at pagbaba ng lupa, bato, at iba pang mga bagay mula sa mataas na lugar dahil sa gravity. Kadalasan, ang landslide ay nangyayari kapag may malakas at sunod sunod na ulan, o kung hindi man ay sanhi ng lindol.

Maaalala na kamakailan lamang ay niyanig ang bansa ng sunod sunod na landslide kung saan marami ang nasawi. Lampas 80 ang pumanaw sa landslide sa Itogon, Benguet samantalang mahigit sa 20 naman ang pumanaw sa Landslide na nangyari sa Naga, Cebu.

Reaksyon Ng Netizens

Nagkakaisa ang mga netizens sa pagpapasalamat at walang nasaktan sa nasabing landslide. Bagamat ang iba ay nagsabi na dapat mag-ingat ng mga bumibyahe sa Benguet at hindi na kailangan pang magvideo at bagkus ay tumakbo sa ligtas na lugar. Sinabi ng ilang netizen na dapat nating pangalagaan ang kalikasan sapagkat wala tayong laban sa lupit ng hatid nito.

Panuorin ang full video dito:

Man-asok, Buguias, Benguet Video taken by me. ….hindi po nai atras ng buz driver kaagad kasi may nakatotok na fx sa likod ,nakapatay pa yong makina #God's GraceATM slide on the way..Yngat sa kasama kong biahera biaHeros

Posted by Kersee Sanggoy Masillem on Saturday, November 3, 2018

Ito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens:

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *