Lindol na Naganap, Tumugma sa Isang Pahina ng Librong Didache

Niyanig ang Pilipinas ng isang malakas na lindol nitong Lunes, Abril 22 bandang alas-5 ng hapon. Marami ang natakot sa nangyaring lindol, ngunit mas marami ang kinilabutan ng lumabas ang isang larawan ng isang daily bible reflection booklet na Didache kung saan ang reflection para sa araw na Abril 22 ay patungkol rin sa isang malakas na lindol. Isa kaya itong paalala sa atin? O ito’y nagkataon lamang?

The Big One

Sa isang post na ibinahagi ng netizen na si Krstna Snchez Dizon sa Facebook, siya ay nasa loob ng bangkong BDO ng mangyari ang malakas na lindol. Matapos ang pagyanig, isa umanong teller ang nagpakita sa kanya ng isang reflection booklet na Didache, isang arawang reflection booklet mula sa Katoliko.

Ipinakita ng teller na sa mismong araw na Abril 22, 2019, ang tema ng bible reflection ay tungkol sa isang malakas na lindol. Ang titulo ay “ The Big One” kung saan tinalakay ang isang malakas na lindol na maaring mangyari sa Metro Manila.

Nagkataon Lamang?

Ang Didache ay isang librong nilathala ng mga Katoliko upang magsilbing gabay sa kanilang espiritwal na paglalakbay sa araw-araw. May mga bible reflections na makikita sa bawat araw ng linggo hanggang matapos ang taong 2019. Maraming Katoliko ang nagbabasa nito araw araw upang maging inspirasyon nila sa kanilang pananampalataya.

Ngunit paano maipapaliwanag na sa mismong araw ng Abril 22, ang tema ng reflection ay tungkol sa isang malaks na lindol? At sa mismong araw ding iyon, ay nakaranas tayo ng isang nakapangingilabot na lindol kung saan ilang buhay rin ang nasawi. Ito kaya ay coincidence lamang? O isang paalala?

Isang Paalala

Marami ang naniniwala na isang paalala ito sa ating Pilipino na pagtibayin pa ang ating pananampalataya. Siguro dahil sa mga mabibigat na isyung dumarating sa ating buhay ay nakakalimot na tayong magdasal at payabungin ang ating espiritwal na relasyon sa Diyos.

Marahil ay isa itong tanda na dapat nating bigyan pansin ang mga bagay na mas importante sa buhay, tulad ng relasyong espiritwal at pagmamahalan, at bawasan natin ang pagsamba sa mga materyal na bagay tulad ng pera at kapangyarihan. At sana, ay hindi na maulit ang naturang lindol, at humingi tayo ng gabay sa Diyos, na madalas ay hindi na natin nabibigyang importansya.

I was in BDO while the earthquake happened, and one teller showed this after 😳😭🤯April 22, Monday “The big one”God…

Posted by Krstna Snchez Dizon on Monday, April 22, 2019

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *