Lolong Nagtitinda Saging,Binayaran Ng Pekeng Pera

Isang matana Ndang lalaki ang nabiktima ng mga walang pusong mandarambong matapos siyang bayaran ng pekeng pera ng taong bumili sa kanya ng saging. Ito ay nangyari sa Minglanilla, Cebu sa mismong araw kung saan ginugunita natin ang muling pagkabuhay ni Hesus.

Mandarambong

Hindi mapigil ang lungkot at galit ng netizen na si An Ge Li matapos niyang malaman ang istorya ng isang matandang lalaki na nagtitinda ng saging sa New Market Place sa Minglanilla, Cebu. Ayon sa mga nakasaksi, bumili ang suspek ng saging na nagkakahalagang 100 piso at nagbayad ng pekeng 1000 peso bill.

Posted by An Ge Lie on Saturday, April 20, 2019

Ang kawawang matanda ay walang kaalam alam na peke ito kung kaya’t sinuklian niya ito ng 900 piso mula sa kanyang benta. Iniwan diumano ng suspek ang saging at dali daling umalis para tumakas matapos makapanloko.

Lungkot Sa Mukha Ni Lolo

Sa kagustuhang maipaalam sa publiko ang mga modus ng mga manloloko ngayon, ay nagpaalam ang netizen na si An Ge Li na kuhanan ng larawan si lolo at ng maihayag ang nangyari sa kanya sa social media. Nagpaunlak naman si lolo na makunan ng litrato at makikita sa mukha nito ang lungkot dahil sa pagkawala ng perang pinaghirapan nito.

Posted by An Ge Lie on Saturday, April 20, 2019

Masakit talagang isipin na mayroon pang mga taong pilit na isinasadlak ang kanilang sarili sa putik sa paggawa ng mga panlolokong tulad nito. Ang mas masakit pa dito ay pinipili pa nilang lokohin ang mga taong katulad nila ay salat din sa kahirapan. Katulad na lamang ni lolo na marangal na naghahanap buhay sa kabila ng edad nito at kahinaan.

Tulong Mula Sa Netizens

Nadurog ang puso ng mga netizens na nakabasa ng nangyari kay lolo. Matinding galit at poot naman ang naramdaman ng netizens sa mga lumoko sa matanda. Marami ang nagsabi na hindi magtatagal ay makakarma rin ang mga manlolokong iyon at mas malaki pa ang mawawala sa kanila.

Samantala, bumuhos naman ang suporta ng mga netizens sa kawawang matanda, mayroong iba na nagbigay ng konting tulong para sa kanila. Ito ay ipinadaan sa uploader na si An Ge Li, kung kaya’t bumalik ito sa palengke upang hanapin ang matanda at ibigay ang konting tulong mula sa mga mabubuti nating netizens.

nangompra ko sayos buntag, kani c lolo gbyran ug 1,000 nga fake. gsuklian pd tawn nia ug 900 pesos ky balig 100 pesos…

Posted by An Ge Lie on Saturday, April 20, 2019

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *