Look: Viral Photos Ng Diumano Boyfriend Ni Piolo Pascual, Ibinulgar Ng Isang Entertainment Website!

Ang mga artista ay mayroong dalawang uri ng buhay. Ang ibinabahagi nito sa publiko at ang ibinabahagi nito sa kanilang pamilya at mga malapit na kaibigan lamang. Sila din ang tampulan ng mga tsismis na madalas pinag-uusapan. Isa sa mga madalas masangkot sa mga tsismis ay si Piolo Pascual. Bagaman pinagkakaguluhan ng mga kababaihan, naging tampulan din ng tsismis ang sexual preference nito. At ngayon ay muli na namang may ibinabatong alegasyon dito ukol sa pagkakaroon ng boyfriend. 

Photo source Entertainment Uptake /Twitter

Viral Photos 

Kamakailan lang ay may naglabasang mga litrato ng aktor na si Piolo Pascual at diumank boyfriend nito. Ang iilang litrato nito ay naglalat sa social media na naunang inilabas ng isang showbiz and entertainment news website, ang Entertainment Uptake. Ang mga litrato ay kuha mula sa iba’t ibang lokasyon. Sa ngayon ay walang pang pagkakakilanlan ang gwapong dayuhan ngunit ayon sa balita ng nasabing news website ay isa itong Amerikano. 

Kumpirmado Na Nga Ba? 

Dagdag pa nito ay mula sa isang pinagkakatiwalaang source ang kumpirmasyon ng nasabing mga litrato. Inulan naman ng batikos ang nasabing post mula sa news website. Anila ay matagal na itong isyu kaya umano nakipaghiwalay si KC Concepcion sa aktor. Ganunpaman, hindi nagustuhan ng mga netizen ang viral post ng Entertainment Uptake ukol sa aktor. Anila ay hayaan na lamang ito kung nais nito maging pribado ang buhay pag-ibig nito.

Photo source Entertainment Uptake /Twitter

Hayaan Nalang Sila 

Ipinagtanggol ng mga netizen ang aktor at iginiit na hayaan na lamang ang aktor kung gusto nito maging pribado ang personal na buhay. Kung totoo man o hindi ang mga kumakalat na balita ukol dito ay marahil hindi na ito sakop o hindi dapat pakialaman pa ng mga tao. Kaya naman ay inulan ng mga batikos ang news website na Entertainment Uptake. Dahil sa paglabas ng mga larawan nito ay nanumbalik ang mga dating isyu ng aktor noong mga nakaraang taon. 

Piolo Pascual

Isa si Piolo Pascual sa mga tinitingalang bachelor sa bansa. Isa ito sa mga nagpapakilig sa mga kababaihan lalo na sa larangan ng pag-aartista. Karamihan ng mga pelikula nito ay naghi-hit at talaga namang pinipilahan. 

Ang anak nitong si Iñigo Pascual ay pinasok din ang showbiz at nakabuo na ng sariling pangalan sa industriya. Isa siyang magaling na mang-aawit ng OPM. 

Ito naman ang agaw pansin na komento ng ilang Netizen tungkol dito.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *