Lumad Leader Na Nagpahayag Na Itigil Ang Paggamit Sa Mga Lumad Sa Mga Rally, Inambush Ng NPA

Sa kabi-kabilang karahasan na nagaganap sa hanay ng mga katutubong Lumad, patuloy pa din ang kanilang laban sa mga CPP-NPA. Ngayong sinasabing may pinapanigan ang mga mainstream media pagdating sa pagbabalita, hirap ang mga Lumad na iparating ang kanilang boses.

Ngunit sa katauhan ng dating PCOO Asec Mocha Uson, ngayon ay naririnig na ng mga milyong Pilipino kung ano ang mga karahasang tinatasama ng mga katutubo mula sa mga rebelde.

Pag-4mbush Sa Isang Lumad Leader

Kamakailan diumano ay in4mbush ang isang Lumad leader na nakapanayam noon ni Mocha Uson. Sa isang viral video noong Setyembre ay makikitang ibinunyag ni Lumad leader Jomar Marcos Bocales o mas kilala bilang Jumar “Marcos” Bucalis na mula pa sa San Isidro Liangga, Surigao Del Sur ang mga kasamaang pinanggagawa ng mga NPA sa kanilang hanay. Sa kabila ng pinagdaanan, nakaligtas ang biktima.

Itigil Ang Paggamit Ng Mga Lumad Sa Mga Rally

Sa viral video na kung saan ay nakapanayam ni Uson ang iba’t-ibang IP leaders mula sa lahat ng panig ng bansa, ipinahayag ni Bocales ang mariing pagtutol nito ng tahasan at sapilitang paggamit sa mga Lumad sa mga rally laban sa gobyerno. Ipinaliwanag din nito ang pagkakabuo ng Bakwit program ng mga NPA. Saad din nito na wala sa kanilang tradisyon ang makisali sa mga rally laban sa gobyerno.

Alisin Ang Peace Talks

Ang malaking porsyento ng mga Lumad na naninirahan sa Mindanao ay humihingi ng tulong sa gobyerno na itigil ang peace talks dahil wala umano itong benepisyo sa kanilang tribo. Nararapat lamang na tigilan na ang pagpat4y sa kanilang mga kapwa ka-tribo at ang tahasang pagmamanipula at panggagamit sa kanila.

Ubusin Na Ang Mga Rebelde

Inulan ng pagkabahala at galit ang mga netizen nang malaman ang balita. Tila ay nagigipit ang mga Lumad sa gitna ng mga naguumpugang bato. Hinala ng karamihan, ang mga lider ng mga rebeldeng NPA ay nasa mataas na pwesto sa gobyerno dahil sa kakayahan ng mga itong makakuha ng maraming armas para sa pakikibaka. Hiniling ng mga ito ang all-out war laban sa mga rebelde upang matapos na ang pagkalat ng mga ito ng karahasan. Dagdag ng mga ito, dapat na makilala kung sino ang mga tunay na lider ng mga NPA na nananahan sa Kongreso.

Totoong ginagawa ng NPA sa mga LUMAD.

Lagi nating nakikita sa rally ang "STOP MILITARIZATION" at "STOP THE KILLING OF LUMADS". Alamin natin ang katotohanan kung sino ba ang pumapatay sa mga lumads mula sa bibig ng kanilang mga tribe leaders. Sana ito ang imbistigahan ng ating mga Senador at hindi ang walang mga kwentang issue. PLS SHARE.

Posted by MOCHA USON BLOG on Sunday, September 23, 2018

BREAKING: Lumad leader, Jomar Bocales, survives NPA ambush in San Isidro, Lianga, Surigao del Sur. The victim is one of…

Posted by PTV on Wednesday, December 12, 2018

Ito naman ang ilan sa mga naging komento ng mga kababayan natin.

SOURCE: PTV NEWS

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *