Madamdaming Eulogy ng mga Kaibigan Para Kay Chokoleit, Viral sa Social Media

Kamakailan ay nagbigay ng madamdaming eulogy ang mga matalik na kaibigan sa industriya ng puman4w na komedyante na si Chokoleit. Naghandog ang Star Magic ng isang tribute para kay Chokoleit.

Viral Video 

Naging viral ang eulogy na hinandog ng mga malalapit na kaibigan ni Chokoleit na sina Pokwang, K Brosas, Pooh, at Vice Ganda. Iti ay parte ng tribute ng Star Magic na ponamagatan na “Paalam, Chokie (Isang Gabi Ng Pag-Aalala at Pasasalamat). 

Eulogy 

Sa viral video ay mapapanood ang madamdaming mensahe ng tatlo kay Chokie at ibinahagi kung ano si Chokoleit bilang kaibigan. Ibinahagi nila ang samahan ng kanilang grupo sa loob ng napakahabang panahon. At pangako na hindi makakalimutan ang kaibigan at kung paano nito naimpluwensiyahan ang kanilang buhay. Emosyonal naman na naghandog ng kanta si K Brosas ng “Warrior is a Child” na orihinal na kinanta ni Gary Valenciano. 

Maraming dumalo sa eulogy ni Chokoleit na dinaluhan ng mga malapit na kaibigan, fans, at mga pamilya. 

Naantig Ang Puso 

Maraming netizen ang naantig ang puso sa madamdaming mensahe ng magkakaibigang komedyante. Marami din ang naiyak at nadala sa mga mensahe nila Pokwang, Vice, K, at Pooh. Kinabiliban ang pagkakaibigan na nabuo sa pagitan ni Chokoleit at mga kaibigan. Anila ay ito ang tunay na pagkakaibigan na kung saan walang iwanan hanggang huli. Damang-dama aniya ng mga netizen ang pagmamahal ng mga naiwang kaibigan para kay Chokie. 

Pakikiramay 

Nagpabatid din ang ibang netizen ng pakikiramay sa pamilya ng yuma0ng komedyante. At inulan ng pasasalamat si Chokoleit para sa mga tawa at saya na ibinahagi nito sa maraming tao.

Paglisan 

March 9 nang magimbal ang buong bansa at industriya ng entertainment nang puman4w ang komedyante na si Chokoleit sa edad na 46. CaRdi4c arrest ang nangyari sa kaso ng masipag at mabait na komedyante. Nangyari ang insidente matapos nito magtanghal sa isang Festival na dinaluhan sa Abra. Viral sa social media ang kapansin-pansin na paghahabol ng hininga nito habang nagpapatawa at nang kumanta ito sa program.  Nasubukan pa itong isugod sa ospital ngunit hindi na ito pinalad na umabot nang buhay sa ospital.

Nakatakda sanang magtanghal si Chokie kasama ang mga kaibigan na sina K, Pokwang, at Pooh ngunit hindi naisakatuparan dahil sa kanilang schedule. 

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *