Magandang Teacher, Itinanan ang Nobyo na 16-anyos

Lumapit ang isang mag-asawa sa himpilan ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong na mabawi ang kanilang anak na tinanan diumano ng girlfriend nito na 26-anyos. 

Tinanan ang Nobyo 

Inirereklamo ng mag-asawa ang nobya ng kanilang anak na si Noel, 16-anyos at nag-aaral sa Trece Martires, Cavite City. Ang sinasabing nobya nito na si Angelika Uy, 26-anyos ay isang guro mula sa Pasay. Nakatira ito sa Bacoor, Cavite city. Isang taon na ang nakakaraan nang magtanan ang dalawa, ayon sa mag-asawa.

Tunay Na Katauhan 

Nagkakilala lamang ang dalawa sa Facebook. Nang magkita ang dalawa ay nagsimula na ang hinaing ng mag-asawa sa kanilang anak at sa nobya nito. Bagaman, patuloy ang paggiit ng nanay sa anak na huwag makipagkita sa babaeng nakilala lang sa Facebook, pinilit pa din ng anak na i-meet ito. 

Noong una ay nagpakilala itong 16-anyos at isang estudyante. Sa katunayan ay nakasuot pa ito ng school uniform nang ipakilala ito ni Noel sa mga magulang nito. Ngunit kalaunan ay napag-alaman na isa itong 26-anyos na dalaga base sa pahayag ni Noel ayon sa nanay nito. Nagtatrabaho umano ito bilang pre-school teacher. 

Brainwash 

Tila nabrainwash umano ng dalaga ang anak. Binibigyan umano ito ng mga gadget tulad ng laptop at mga pera na rin. Ibinahay din umano ito sa Bulacan, na kung saan ay may sariling bahay ang dalaga. Nakapunta na sa Bulacan ang mag-asawa na kung saan ay di nagustuhan ng mga ito ang kalagayan ng anak doon. Dalawang beses sa isang linggo lamang puntahan ng dalaga ang menor de edad nilang anak. Kalaunan ay nagkalabuan na din ang dalawa. 

Pinilit kausapin ng mag-asawa ang magulang ng dalaga, partikular na ang nanay nito ngunit nagalit lamang umano ito sakanila. Hindi na din sila kinakausap ni Angelika sa telepono. 

Panawagan 

Panawagan ng mag-asawa, ibalik na ng dalaga ang kanilang anak na hindi pa tapos sa pag-aaral. Hamon ng tatay sa anak, bumalik sya at tapusin ang pag-aaral at paoayagan nila itong makipagbalikan sa nobya nito. Banta naman ni Raffy sa dalagang si Angelika, maaari itong makulong dahil sa pagtanan nito sa menor de edad na nobyo. 

Magandang Teacher 

Inulan ng pagpuri ang kagandahang taglay ng guro. Bagaman gandang-ganda ang mga netizen sa teacher na si Angelika, hindi pa din umano tama na makipag-relayson ito sa isang underage. 

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *