VIDEO: ‘Mala-Ninja Moves’ na Kawatan sa Fast Food, Sapul sa CCTV!

Nakunan ng video ang ‘Mala-Ninja Moves’ na pagnanakaw ng isang lalaki at isang kasabwat na babae sa isang costumer ng isang Fast Food sa Baguio City.

Sa CCTV, nagpanggap ang dalawang suspek bilang mga costumer. Ang lalaking suspek ay umupo sa likod mismo ng kanilang bibiktimahin hanggang sa hinila nito gamit ang paa ang isang upuan kung saan nakapatong ang gamit ng taong kanilang bibiktimahin.

Sa huli, naging matagumapay ang kanilang pagnanakaw at ito ay hindi namalayan ng biktima.

Ang post ng Netizens tungkol sa video na ito ay viral na rin sa social media na umabot na sa 1+ milyon views at nasa 16,386 Shares na rin.

Ang nahuli-cam na ito ay isang babala para sa ating lahat na dapat ay huwag kampanti kahit nasa mataong lugar na akala mo ay hindi kana mananakawan tulad ng mga fast food restaurant.

Ikalat po natin ito kabayan sa pamamagitan ng pag-share para naman makatulong tayo sa iba na dapat talaga maging maingat sa mga ganitong lugar.

Reaksyon ng mga Netizens

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga kababayan natin. Ang iba nga ay sinisi pa ang CCTV dahil raw walang nagbabantay.

SOURCE: Joanne N. Jotie-Suyat

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *