Mayor, Inutos sa Tauhan Niya na “Upakan” ang Isang Miyembro ng Task Force Matapos Niyang Muramurahin

Isang mayor ang viral ngayon dahil sa pagmumura umano niya sa mga miyembro ng Governer’s Task Force na naatasang magsagawa ng operasyon laban sa illegal quarry sa Camarines Norte.

Ilegal

Napagalaman kasi na gumagamit daw umano ng government issued vehicle si Mayor Senandro “Pretty Boy” Jalgalado ng Capalonga Camarines Norte. Subalit imbes na sumunod sa task force, ikinagalit pa nito ang ginagawang operasyon.

Matatandaang hindi ito ang unangg beses na napalaban sa batas ang mayor na ito. Noong 2012 kinasuhan siya ng indiscriminate firing dahil sa pagpapaputok ng baril sa harap ng police station. Bago mag 2014, isa nanaman kaso ang isinampa sakanya dahil sa pagpapaputok ng baril sa likod naman ng police station. Noong 2014, nakasuhan siya ng Maliscious Mischief, at noong 2015, nadawit naman sa medicine scam. Bakit kaya nakaupo parin siya hanggang ngayon?

Dahas at sindak

Sa umpisa ng video maririnig ang mayor na sinasabi sa mga tauhan niya na harangan ang daanan upang walang makaalis. Ang asawa ng mayor naman ay tila hindi siniseryoso ang nangyayari at tumatawatawa pa.

Noong umpisa, sinita niya ang kumukuha ng video, ngunit sinagot siya nito na malayang tao daw sila at pwede magvideo.

Pangaasar

Tila nangaasar pa umano ang asawa ni mayor nang kumaway kaway sa camera at nagsasasayaw. Tawa pa ito nang tawa habang ang asawa niya ay nagsisisigaw at nagmumura na sa likuran niya. Pilit niyang inuutusan ang mga tauhan niya na “up4kan” na ang kumukuha ng video.

Sa bandang huli ng video, makikita ang kumukuha ng video na tila tumatakbo palayo noong hinahabol na siya ng mga tauhan ni mayor. Sa buong video hindi tumigil sa kakamura at kakautos si mayor upang upakan na ang mga task force.

Panoorin ang Video:

BUGBUGIN NYO NA YAN!!!!!..Utos Ni Mayor Pretty Boy Jalgalado na Bugbugin ang Member ng Governor's Task Force habang nag Conduct ng Operation Against Illegal Quarry kahit nasa Harap ng Mga Pulis sa Bayan ng Capalonga…Video Credit :Kgd Fanny Almaida

Posted by Del Moro Romil on Friday, February 8, 2019

Ito naman ang galit na komento ng mga Netizen tungkol dito.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *