Mga Pulis Pinagtripan Ang Mga Drivers Bago Bigyan Ng Regalong Pamasko

Sa mga paglabas ng mga balita ngayon na puro masasama at di kaayaya, nakakatuwang makarinig ng balita na magpapangiti sayo. Ngayon kapaskuhan, silipin naman natin ang mga magagandang balita katulad ng ginawa ng Police Station 10 sa Cebu City.

Kaba at saya

Sa video na inilabas ng The Philippines News sa kanilang Facebook Page, makikita ang isang driver ng pedicab na akala mo ay aatakihin na sa puso habang ipinapatabi ng lima o mahigit pang mga pulis na tila may violation siya.

Itinabi siya at kitang kita sa mukha ng driver ang kaba habang nakapalibot ang mga pulis. Ngunit imbes na hulihin siya, biglang kumanta ang mga pulis ng pamasko, bago iniabot ang pamaskong regalo nila pang noche buena.

Pedicab at jeep

Makailan uli pa nilang ginawa sa mga driver ng pedicab at jeepney ang “prank” nila. Kitang kita sa mga driver ang kaba habang hinihingi ng isang pulis ang lisensya nila, kumpleto pa umano ang props ng mga pulis at may hawak pang pangticket.

Ngunit kakaibang ngiti naman ang bigay ng video sa tuwing marerealize ng mga driver na hindi naman pala talaga sila hinuhuli, bagama’y bibigyan pa sila ng regalong pang noche buena para sa pamilya nila.

Diwa ng Pasko

Sa mga balitang naglalabasan ngayon, maraming tao ang nagaalangan na sa ibang mga pulis. Matapos may mga pulis na napapabalitang pumapat4y, at meron namang iba na natutulog sa duty. 

Sana ang munting handog pampasaya ng Police Station 10 ng Cebu City ay maging sapat na pagpapaalala sa lahat ng tao na hindi naman lahat ng kapulisan ay masasamang tao. Marami pa ang mga seryoso sa kanilang sinumpaang paglilingkod sa taumbayan.

Nawa’y maibalik ang tiwala ng ibang tao sa mga pulis na tapat na naglilingkod at nais lang magbigay ng saya.

Yun sinita ka sa CHECKPOINT, tapos sobrang kaba ng dibdib mo, by Police Station 10 headed by PCINSP. Keith Andaya with Police Advisory Council.

Posted by The Philippines News on Wednesday, December 12, 2018

Ito nman ang mga agaw pansin na komento sa mismong video post.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *