Mga Kabataang Lumad, Tinuturuan Ng Mga Guro Na Mag-Aklas Laban Sa Gobyerno

Isang Lumad youth leader ang nagsalaysay kung paano sila turuan ng kanilang mga guro na mag-aklas laban sa pamahalaan. Kabilang na dito ang pagpunta sa mga kuta ng NPA at ang pagtuturo kung paano atakihin ang mga police detachment at pagsama sa kanila sa mga rally laban sa gobyerno.

Subersibo

Sa programang Talk Back ni Tina Monsod Palma, isang youth leader na nagngangalang Asenad Bago ang kinapanayam ni Palma matapos nitong tumigil sa pagpasok sa paaralan sapagkat napansin nitong hindi tunay na edukasyon ang itinuturo ng mga guro sa Talaingod, Davao Del Norte.

Bukod sa pagtuturo sa kanilang humawak ng baril at umatake sa mga police detachments, isiniwalat din ni Asenad na ang grupong Bayan Muna ay pinipilit silang dumalo sa mga rally laban sa gobyerno.

Kaliwa

Napansin ni Asenad Bago na ang edukasyong kanilang ginagawa ay patungo sa kanilang pagsapi sa New People’s Army o NPA kung kaya’t nagpasya siyang itigil na ang pagpasok. Kanyang ikinwento na ang mga guro ng paaralan ay sinasama sila sa kuta ng mga NPA upang manuod ng mga subersibong video upang mabulag ang kanilang isipan.

Bukod dito, ang itinuturong kanta na “Lupang Hinirang” ay iba ang letra sa nakagawian, bagkus ay kantang para sa mga maka kaliwa. Pilit na iminumulat ang mga kabataang Lumad sa maling pakikibaka laban sa gobyerno.

Paglason Sa Murang Isipan

Ang panayam na ito ay matagal nang naipalabas ngunit ito ay tila napapanahon matapos ang pag aresto kay former Bayan Muna representative Satur Ocampo at ilang mga guro matapos nilang bitbitin ang mga menor de edad na Lumad. Ito ay nagsisilbing batayan na ang sinasabi ng mga kabataang Lumad ngayon ay totoo sapagka’t ginawa na ito sa kanila sa nakaraang panahon.

Nakalungkot isipin na ang mga paaralang dapat sana ay maghuhubog sa mga kabataan upang maging disenteng mamamayan ay ginagamit upang isulong ang supersibong adhikain ng mga maka kaliwa. Ang mga taong nagpapanggap na mga guro para sirain ang murang kaisipan ng kabataan ay dapat managot, sa batas ng tao at sa batas ng Diyos.

Asenad Bago, lumad youth leader from Talaingod, says he left school because he was not being given a real education. Instead, his school was teaching him how to handle guns and how to attack AFP detachments. He knew that his training came from the NPA.Video from TalkBack with Tina Palma Sep 6, 2015

Posted by VOVph on Monday, July 31, 2017

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *