Mga Masasamang Karanasan Mula Sa Iilang Intsik sa Pilipinas, Ibinahagi Ng Mga Netizen!

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang kinagagalakan na puntahan ng mga banyaga. Ang karamihan pa sa kanila ay pinipiling dito na manirahan hanggang sa kanilang pagtanda. Marami mang banyaga mula sa iba’t ibang bansa, di naman maikakaila na maraming mga Intsik ang nananahan dito sa ating bansa. At bilang banyaga at pagkakaiba ng lupang tinubuan, nararapat lamang na manatili ang paggalang at pagrespeto ng mga ito sa bansang tinitirhan nila at sa mga taong tunay na residente nito.

Isang post mula sa isang Facebook netizen ang naging viral na syang nagbabahagi ng mga hindi magandang karanasan ng mga Pilipino ukol sa pag-uugali ng iilang Intsik. Bagaman ay sensitibong usapin, minarapat ni Marisa Suarez na ilahad ang mga nakalap na pagbabahagi mula sa iba’t ibang social media platforms.

Pagpapadumi sa gilid ng daan

Isang larawan ang nakuhaan kamakailan lamang na kung saan ay makikitang pinapadumi ng isang banyaga ang kanyang anak sa damuhan sa isang lugar sa BGC. Ayon sa nagpost ng orihinal na larawan, isang Instik ang ina na syang nagpapadumi ng kanyang anak sa damuhan. Pasikreti diumano na kinuhaan ng kaibigan nito ng larawan ang aktwal na gawain at agad na inireport sa isang security guard sa malapit na lugar.

Pagsingit sa pila sa isang shopping store

Mula naman sa isang Twitter username na “Papa Cologne,” ibinahagi nito ang pagka-arogante ng ilang intsik sa pagsingit sa pila ng cashier sa isang kilalang shopping store. Ayon dito, dumiretso sa cashier ang isang Intsik na lalake kahit pa man ay malinaw sa kaalaman nito na may kasalukuyang pila. Agad nitong hinubad ang isang tshirt at diretsong binayaran sa cashier.

“We are chinese”

Ayon din sa isang netizen, nasaksihan ng kaibigan nito ang pagpupumilit ng mga Intsik sa S&R na kung saan ay hindi pinapahintulutan ng security guard ang mga ito na makapasok dahil wala silang member ID. Patuloy na nagpupimilit ang grupo at sinabing,

“We are chinese!” na animo ay sakanila ang buong bansa upang ipagpilitan ang kanilang kagustuhan.

Nagpahatid naman ng mensahe si Suarez para sa mga Pilipino na huwag mahiyang sitahin ang mga ganitong kaganapan at sitwasyon. Nararapat lamang na pagsabihan ang mga ito kung nawawalan ang mga ito ng disenteng pag-uugali. Aniya pa ni Marisa,

“this is our country!”

Ito ang mga galit na reaksyon ng ilang netizens:

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *