Mga Tunay na Lumad Ibinunyag na Pekeng Lumad ang mga Nagrarally

Muling dininig ni presidente Duterte ang hiling ng mga Lumad na makausap siya kung kaya’t inanyayahan niya ang lampas sa 30 mga Lumad at mga IP lider sa Malakanyang kahapon kasama si Mocha Uson para mapag-usapan ang kanilang mga hinaing at matulungan sa abot ng makakaya ng pangulo.

Pang-aapi ng CPP-NPA

Ayon sa mga Lumad, matagal na silang nasa ilalaim ng pang-aapi ng CPP-NPA. Halos 1,000 katribo nila ang pinatay ng komunistang grupo sa loob ng mahabang panahon. Sila ay lubos na nagpapasalamat sapagkat sa ngayon ay mayroong presidenteng handa silang tulungan, taliwas sa mga naunang pinuno ng bansa na tila walang pakialam sa kanilang pighati.

Sa programa ni Mocha Uson sa radyo pinamagatang Tambayang Mocha at Drew, inanyayahan ni Mocha ang mga katutubong Lumad upang magbigay ng mensahe sa publiko para malaman ng karamihan ang kanilang sitwasyon.

Peke

Maaalalang kasama ni Mocha Uson ang mga lumad na ito na pumunta sa UP at sa ibat ibang ahensya ng gubyerno para madinig ng sambayanan ang kanilang problema at hinaing. Subalit sa kabila nito, may mga grupo pa ring nagsasabi na sila ay mga pekeng Lumad lamang.

Sa programa ni Mcha, sinagot ito ng mga Lumad. Kanilang itinanggi na sila ay mga peke lamang, bagkus sila ay mula sa ibat ibang tribu sa Mindanao, na nagsama sama para pumunta dito sa Maynila at ipaabot sa presidente at sa bayan ang kanilang mga hinaing.

Ang Tunay Na Lumad

Sinabi ng isang Datu na hindi sila ang mga taong nagrarally kundi mga pekeng tao na dinamitan ng kanialgn kasuotan at ginamit ng CPP-NPA para sirain sila. Idinagdag din nila na na sagrado ang kanilang kasuotan at mas gusto nilang makipag-usap kaysa sa magprotesta sa kalsada.

Pinabulaanan din ng mga Lumad ang sinabi ng mga makakaliwang grupo na ang CPP-NPA ang nangangalaga sa kanilang kapakanan kung kaya’t sinumang sumasalungat sa mga pahayag ng CPP-NPa ay hindi totong Lumad. Sinabi ng isang datu na maayos na namumuhay ang mga Lumad noon, at nagsimula lamang ang paghihirap ng mga ito ng angkinin ng mga CPP-NPA ang mga lupang kanilang pag-aari.

TMD

TMD with LUMADS

Posted by MOCHA USON BLOG on Thursday, November 8, 2018

Ito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens:

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *