Mga Video Footage sa Lindol, Ibinahagi ng mga Netizen

Ang nagdaang 6.3 na lindol na tumama sa Metro Manila at iba pang karatig lugar ng Luzon ay nagbigay ng lubos na takot sa maraming Pinoy. Kahapon, Abril 22 ay naganap lindol bandang 5:11 ng hapon. 

Niyanig Na Condo Building

Nakuhaan ng iba’tibang netizen ang nasaksihan nilang pangyayari habang nagaganap ang lindol. Sa isang kuha ng netizen na si Arby Domingo mula sa 38th floor ng isang condominium sa Sta. Mesa, kitang-kita ang paggalaw ng gusali na tila hinehele ang mga ito. Akala ni Domingo ay tila matutumba na ang building dala ng malakas na pagyanig ng lindol. 

Earthquake from 38th fl. 😱😱😱 kala ko tutumba buong condo…

Posted by Arbby Domingo on Monday, April 22, 2019

Umapaw na Tubig

Ang netizen naman na si Michael Rivo ay nakunan ang mismong pag-umapaw ng tubig na nanggagaling sa penthouse ng isang condominium sa Ongpin. Ito ay tinatayang sa Anchor Skysuites at sinasabing ang tubig na ito ay mula sa swimming pool.

Posted by Michael Rivo on Monday, April 22, 2019

Posted by Michael Rivo on Monday, April 22, 2019

Mga Pinsala sa Pampanga 

Sa karatig lugar naman na Pampanga ay nakunan naman ng netizen na si Gizelle Galang Puno ang pagguho ng arko sa Pampanga. Kitang kita ang kinahinatnan nito matapos ang pagdaan ng 5.7 magnitude sa kanilang lugar. 

Sa Porac, Pampanga naman ay napabalitang may mga na-trap sa loob ng isang supermarket. Dali naman ang mga rescuer sa paghahanap ng mga natrap. Sa kabilang banda ay may mag-lola naman ang binawian ng buhay matapos madaganan ng dingding sa Pampanga. Kapansin-pansin din ang mga bitak sa lupa na tila naghiwalay bunsod ng lindol. 

Arko sa Pampanga, bumagsak matapos tumama ang magnitude 5.7 lindol | Courtesy of Gizelle Galang Puno

Posted by Pilipino Star Ngayon PSN on Monday, April 22, 2019

Tigil Operasyon sa Transportasyon

Pagkatapos ng lindol ay itinigil lahat ng operasyon ng MRT, LRT, at PNR upang masiguro ang kaligtasan ng mga commuters. Nagpalabas naman ang gobyerno ng mga bus na magbibigay ng libreng sakay sa mga maiistranded sa byahe. Kagabi ay matinding traffic ang idinulot ng pagkansela ng mga byahe sa tren.

Dasal at Pag-iingat

Paalala sa lahat ng tao na palaging maging alerto at palaging mag-iingat dahil ang oras ng sakuna ay walang katiyakan. Pinaalalahanan naman ang marami na mahing armado ng taimtim na dasal upang hindi na maulit ang paglindol at maging man ang mga aftershocks nito. Nawa ay gabayan ng Panginoon sa itaas ang ating bansa sa oras ng pangangailangan.

Panalangin ng Netizens 

Ayon sa netizens, marahil ito ay isa sa mga paraan ng pagtapik sa atin ng Panginoon upang magbalik loob ang lahat sakanya at talikuran ang mga masamang gawi. Marahil ay nalilimutan na ng marami ang Panginoon lalo pa at katatapos lamang ng kwaresma. Panalangin ng mga netizen ay hindi na sana maulit ang malakas na paglindol nang walangmangyaring pahamak sa marami.

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *