Mike Enriquez, Trending ang Kanyang Hamon sa mga Nanalong Kandidato

Naging trending sa Twitter ang sikat na radio at TV News anchor na si Mike Enriquez dahil sa matatapang na komentaryo nito sa mga bagong halal na kandidato ngayong eleksyon 2019. Hindi ito nagpatumpik tumpik at diretsahang itinanong ang gustong malaman ng taong bayan. Ano ang gagawin ng mga nanalo para sa ikauunlad ng bayan?

Sisingilin Ko Sila!

Viral sa social media ngayon ang mga patama ng GMA News anchor Mike Enriquez sa mga kandidatong nanalo ngayong eleksyon. Tapos na ang halalan at nagsalita na ang taumbayan. Ngayon ay nasa kandidato naman ang spotlight at kailangan nilang patunayan na sila ay karapat dapat sa mga botong ibinigay sa kanila.

Sinabi ni Enriquez na lahat ng kandidato ay nangako ng pagbabago, marami silang plataporma kung saan inisa isa nila ang kanilang gagawin sakaling manalo. Ngayon, kung kalahati man lang sa kanilang mga ipinangako ay matutupad, magiging napakganda ng bansa natin, sabi ng Imbestigador Ng Bayan.

Tuparin Ang Pangako!

Sa isang special coverage ng GMA News na Eleksyon 2019, sinabi ni Enriquez ang nasa sa isip ng bawat Pilipino. Ano na ang gagawin ng mga nanalong kandidato ngayong sila ay nahalal na. “Gusto ko silang singilin. Ano’ng maasahan namin sa inyo ngayon? Lahat ‘yan nangako eh. Kung kalahati lang sa pangako ng mga kandidato ay magkatotoo — kalahati lang, hindi siyento por siyento — aba eh napakagandang lugar nitong Pilipinas.” patutsada ni Mike Enriquez.

Sinabi rin nito na sana ay hindi maulit ang nangyari sa kasaysayan, na tila puro pangako na napapako lamang ang ginawa ng mga nahalal. Sana ngayon ay mas maging makabuluhan ang botong ipinagkatiwala ng sambayanan sa mga kandidatong nanalo.

Reaksyon Ng Netizens

Samantala, natuwa naman ang netizens sa mga prangkang pananalita ni Enriquez. Naging boses siya ng mga Pilipinong hindi magawang itanong sa mga politiko ang kanilang gustong itanong. Sinabi niya ang hinaing ng mga Pinoy na sawang sawa na sa mga resultang katulad nito, ngunit wala namang pagbabagong nagaganap.

Isang netizen ang nagsabi na hinain ni Mike Enriquez ang pinakamainit na tsaa sa bansa. “ Mike Enriquez gave us the hottest tea today.”

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *