Misis na Huli sa Akto ng Mister na Kat₳lik si Kapitan, May Banat sa B₳shers

Inaresto ng mga pulis ang isang misis at ang kalaguyo nitong isang barangay captain matapos humingi ng tulong ang mister at nahuli sila sa aktong gumagawa ng milagro. Sa kabila ng ginawa nitong kasalanan sa mister ay may gana pa itong sumagot sa mga netizens na bumatikos sa kanya sa social media

Misis at kalaguyong kapitan ng barangay huli sa akto sa loob ng hotel sa Nueva EcijaReport by: Ashly Arestado ang…

Posted by Read Alert News on Wednesday, April 10, 2019

Huli Sa Akto

Sa isang video na ibinahagi ni Jr Centino mula sa ulat ng DZRH News, huling huli sa akto ang magkalaguyong si Aziel Tubiera at si barangay captain Librado Dulay sa isang hotel sa Nueva Ecija. Mismong ang mister, na may kasamang mga pulis ang siyang nakahuli sa dalawa.

Sa videong masasaksihan, pagbukas pa lamang ng pinto ay tumambad na ang hubad na katawan ng misis na si Aziel Tubiera, samantalang si kapitan Dulay ay nakitang nagtatago sa banyo. Parehong nagulat ang magkalaguyo na handa ng isakatuparan ang kanilang pagkakasala ng sila ay mahuli.

Textmate Ni Misis

Sinabi ng mister ni Tubiera na sila ay nasa bus at bumibiyahe pauwi ng mapansin niya na may katext ang misis. Upang mabasa niya at malaman kung sino ang katext nito ay lumipat siya ng pwesto at umupo sa likod ng misis. Hindi siya nagpahalata na nababasa niya na ang mga text nito.

Pagbaba nila ng bus ay bigla umanong nawala ang misis kung kaya’t ang ginawa ng mister ay pumunta sa presinto at nagpatulong sa mga pulis upang mahuli ang dalawa sa akto. Sila ay tumungo sa Calapao Hotel at duon nila pinasok ang kwarto ng magkalaguyo.

Mensahe Sa B₳shers

Sa Facebook page naman ng misis na si Aziel Tubiera ay sarkastiko siyang nagpasalamat sa lahat ng humuhusga sa kanya, sinabi niyang tila lahat ng humuhusga ay puro perpekto at walang mga kamaliang nagawa sa buhay nila. Sinabi rin niya na ang tanging pagkakamali daw niya ay nagpahuli siya, na tila walang bahid ng pagsisisi sa kanyang nagawa.

salamat din po pla sa mga nag video.. ah oo nga po pla perpekto nga pla kau sobrang linis nyo at wala kayong pag kaka mali sa buhay

Posted by Aziel Tubiera on Wednesday, April 10, 2019

ang mali ko kz nag pahuli ehh ganun tlga ..wala na ako magagawa anjan na yan

Posted by Aziel Tubiera on Wednesday, April 10, 2019

ehh di wowww….. kau na malinis at perpekto….baka mas malala kpa skin…..

Posted by Aziel Tubiera on Wednesday, April 10, 2019

Kinasuhan na ng kasong adultery at bigamy ang magkalaguyong si kapitan Librado Dulay at si Maria Cecilia “Aziel” Tubiera at maaaring maharap sa pagkakakulong kung itutuloy ng mister ang mga demanda laban sa kanila

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *