Misis, Nahuli Ng Anak Na Nakikipaghalikan Sa Isang Drayber

Ang paghihiwalay ng ina at ama sa isang pamilya ay may malaking impact sa mga anak. Ang mga anak ang mas naaapektuhan sa gitna ng haligi at ilaw ng tahanan. Katulad ng pagdulog ng isang misis sa programa ni Raffy Tulfo kamakailan na naglalayon na makuha ang kustodiya ng mga anak. 

Usapang Kustodiya 

Si Bernalyn Arabes ay nais makuha ang kustodiya ng anak na nasa edad 7 at 4 mula sa dating ka-live in na si Bernardo Leonardo. Ayon sa ginang ay mayroon silang kasunduan na pinirmahan mula sa DSWD na kay Bernalyn mananatili ang mga anak tuwing weekdays at sa asawa naman nito na si Bernardo mapupunta ang mga anak kapag weekends. 

Ngunit noong Nobyembre ay hindi na ibinalik ni mister ang mga anak kay misis. Kaya naman napilitan si Arabes na idulog ang problema ky Raffy Tulfo. Ngunit hindi naging madali ang lahat para kay Bernalyn dahil maraming isyu ang lumabas laban dito. Nagbigay pa ng pahayag ang anak nila na nahuli nitong may kahalikan ang nanay nito na isang drayber diumano at kaibigan ng kapatid nito. Pinabulaanan ng ginang ang mga akusasyon ng anak na sya namang pinanindigan nito na may katotohanan. 

Mga Akusasyon Kay Misis 

Depensa naman ni Bernalyn sa asawa ay hindi ito nagbibigay ng sustento sa mga anak. Nagbanta pa umano nito na wakasan ang buhay kasama ng kanilang mga anak. Dahil sa paglabas ng mga alegasyon, kaugnay na din ng mga akusasyon ni Bernardo na sinasaktan umano ng kapatid ni Arabes ang mga anak, minabuti ni Raffy na idulog ang isyu sa CSWD Taguig kung saan posibleng ganapin ang assessment. Dagdag pa rito ay may nakabinbing reklamo si Bernardo laban sa kapatid ni Bernalyn ukol sa pananakit nito sa kanilang anak. 

Pagdulog Sa CSWD 

Ayon sa CSWD Taguig, magkakaroon ito ng assessment kung kanino mapupunta ang kustodiya ng anak at kung hindi ito matugunan ay iaakyat ang kaso sa korte.

Binatikos 

Puro pambabatikos naman ang inabot ng mag-asawa mula sa mga netizen. Anila ay parehong may problema ang mga ito at parehong may kasalanan sa isyu. Mabuti pa umano ay maghiwalay ang dalawa dahil parehas silang walang maidudulot na mabuti sa isa’t isa. 

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *