Mister At Nirereklamong Misis Na May 4 Na Kabit, Nagkaharap Na

Isang ama at mga anak nito ang lumapit sa himpilan ni Raffy Tulfo upang makahingi ng tulong na makausap ang asawang OFW na diumano ay may apat na kabit. Dagdag pa nito ay hindi din ito umuwi sa kanilang pamilya pagkauwi mula sa ibang bansa. 

Nakatakdang Pagkikita 

Ayon sa pahayag ni Joseph Chavez na mula sa Camarines Sur, hindi makontak ng kanilang pamilya ang asawa na si Marife Chavez na matagal nang nakauwi mula sa Saudi. Nakausap ito ni Raffy noong ika-1 ng Pebrero at nangako na haharapin ang pamilya sa programa. Kasunod nito ay ang alok na pamasahe ni Raffy sa ginang mula sa Davao. 

Nireklamo din ni Joseph ang mga alegasyon nitong panglalalake ng asawa na syang sa mga tsismis lang nito napag-alaman at walang kongkretong ebidensya. 

Mga Dahilan Ng Di Pag-uwi Ni Misis 

Nang magkaharap ay inamin nito ang dahilan na hindi ito umuwi sa kanyang pamilya dahil wala itong dala na pasalubong sa mga anak. Wala din umano itong ipon na pera kaya natakot ito sa pamilya nito. Ganunpaman, hindi ito pinaniwalaan ni Raffy at tila mababaw ito para hindi harapin ang kanyang pamilya. Giit ni Tulfo, para sa ibang OFW, hindi hadlang kung walang pera o pasalubong na maiuuwi basta makasama lang muli ang kanilang pamilya.

Pinabulaanan naman ni Marife ang mga alegasyon ng asawa nito na nanlalalaki ito. Ayon sa kanya, ang asawa nito ang bulagsak sa pera kaya marami silang pagkakautang. Naiinis rin aniya siya sa bisyo nitong pag-inom ng alak.

Pagpapabaya Sa Pamilya

Napag-alaman din ni Raffy na tuloy tuloy ang sustento ni Marife sa kanyang pamilya at ultimo buong sahod ay binibigay sa kanyang pamilya. Pinatotohanan naman ito ng asawang si Joseph at pahayag nito, nilaan nito ang pera sa pagpapagawa ng kanilang bahay. Buwan buwan aniya ito bumibili ng materyales para matapos ang kanilang bahay. 

Kahit pa man hindi naging pabaya ang ginang sa sustento sa kanilang mga anak, may namumuot pa din na sama ng loob mula sa mga anak bunsod ng hindi pag-uwi nito sa piling ng pamilya nang makauwi ito ng bansa. 

Nang tanungin ang anak nila ni Joseph, saad nito ay kalimutan na lamang silang mga anak kung iiwan na nito ang kanilang ama. 

Panoorin ang Video:

Reaksyon Ng Netizens 

Halo-halong komento naman ang ipinabatid ng mga netizen ukol sa isyu. Para sa iba ay naiintindihan ng mga ito si Marife dahil mahirap ang magtrabaho sa ibang bansa. Ang dapat sana ay ginagawa ng asawa nito na si Joseph ay iti ang gumagawa. Para naman sa iba, parehas na may kasalanan ang dalawa bunsod ng isyu. 

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *