Mister, Pinapili Kung Kanino Gusto Sumama- Kay Legal Wife o sa Nabuntis Na Kabit?

Isang ginang ang lumapit kay Raffy Tulfo upang tulungan ito makausap ang asawa nito at tuluyang papiliin ito kung sakanya o sa kabit nito gustong sumama. 

Reklamo Ni Misis

Si Anna Liza Comighod ay matapang na humarap na sumangguni sa programang Sumbong At Aksyon upang ireklamo ang asawang si Kurt Comighod at ang nabuntis nitong dating katrabaho na si Joan Igcalinos. Umalis sa trabaho ang nabuntis ni Kurt bunsod ng hiling umano ni Anna na maghiwalay ang dalawa. 

Si Legal Wife At Si Number 2 

Nais ni Anna na malaman ang pinal na desisyon ng asawa nitong si Kurt- kung sakanya ba na legal na asawa o sa nabuntis nitong si Joan. Dahil aniya ay nagnanais ang asawa nito na magkaayos sila ngunit nais din nito magbigay ng sustento at dumalaw dalaw sa anak nito sa nabuntis nito. Hindi naman katanggap-tanggap kay Anna ang set-up na gusto ng asawa kaya ipinapapili sya nito. 

Pahayag Ni Joan 

Nakausap din ni Raffy ang dalagang si Joan at sinabing matagal nang walang komunikasyon at relasyon ito at si Kurt. Hindi din ito humihiling ng sustento mula sa asawa ni Anna at pinabatid na ayaw na makita ang lalaki. Ngunit dahil nadala ang problema ng mga ito sa pampublikong programa ay humiling ito ng sustento para sa bata. Napagkasunduan na ipapadala na lamang ng lalaki ang pera para sa anak nito at hindi magkikita. Sa oras na malaman na nagkikita ang dalawa ay maaaring ipaaresto ang mga ito sa pulis. 

Dagdag pa dito, nais umano ni Joan ng katahimikan mula sa mga intriga. 

Pakiusap Ni Anna 

Pakiusap ni Anna ay magkaroon ng pirmahan ng kasunduan sa gitna nito at ng asawa ukol sa naging problema. Nauna na nitong ipinahayag na hindi pinagtutuunan ng pansin ang reklamo nito sa barangay at presinto kaya naman minabuti nito idulog ito kay Raffy Tulfo. 

Panoorin ang Video:

Komento Ng Netizens

Kinabiliban naman ng mga netizen si Anna at hiniling na sana ay hindi na lamang nito binalikan ang asawa dahil sa ginawa nito. Ngunit tila buo ang loob nito at tanggap ang kamalian ng asawa. Inulan naman ng batikos si Kurt at ang karelasyon nitong katrabaho nito. 

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *