Most Wanted Ng Makati Na Nahaharap Sa 99 Counts ng Rape, Nahuli Na!

Ang paggahasa ay isa sa mga krimeng isinisigaw ng mga Pilipino na patawan ng parusang kamatayan. Ito ay sensitibong usapin na kung saan ay marami ang nagiging biktima. Patuloy ang pagtaas ng kasong rape na naisasampa ngayon na tila ay nakakabahala lalo na para sa mga kababaihan.

Most Wanted No. 1

Kamakailan lamang ay nahuli ang No. 1 Most Wanted ng Makati na si Louie Guevarra, 47-anyos at nagtatrabaho bilangisang construction worker. Ang suspek ay naaresto kagabi lamang ng 8:45 pm sa Rodil St. Barangay Carmona. Siya ay nahaharap sa 99 counts ng kasong panggagahasa.

Most Wanted No. 2

Ang pumapangalawa sa listahan ng Most Wanted ng Makati ay natimbog din sa parehong araw at kinikilalang si Renato Cipriano, 62 anyos na isa namang parking attendant. Naaresto ito sa Zapote St. kakaharapin naman ng nasabing suspek ang 2 counts of rape.

Ayon sa hepe ng Makati na si Supt. Rogelio Simon, naghatid ng warrant of arrest ang mga tauhan mula sa Warrant and Subpoena Section sa mga tahanan ng mga akusado.

Death Penalty

Sumisigaw naman ng death penalty ang netizen para sa mga abusadong suspek na katulad ng Most Wanted ng Makati.
Tila nakakabahala ang 99 counts of rape na inakusa sa mga ito, na syang hindi biro kung magpapatuloy pa ang paggala nito sa syudad. Hustisya ang hanap ng marami mula sa mga nasabing akusado.

Bagaman suspendido ang pagpataw ng death penalty sa bansa ngayon, marami ang nagsusumigaw at nagsusumamo sa gobyerno na ibalik ito upang umano mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima ng mararahas na krimen katulad ng rape at pagpatay. Hindi naman bingi ang gobyerno sa mga pasaring ng mga netizen na ibalik ang death penalty dahil isa ito sa mga mainit na usapin ngayon sa pulitika. Nasa kamay ng mga kongresista at mambabatas ang desisyon para rito.

Hindi naman makapaniwala ang mga netizen na tila umabot pa ng 99 counts ang kaso ng isa sa mga suspek. Kinwestyon din kung bakit ngayon lamang ito nasabat, gayong malala na at laganap na ang nagawa nitong krimen.

Pasaring sa CHR

Nagpasaring naman ang mga netizen sa Commission on Human Rights na syang pinaniniwalaang tagapagtanggol ng mga akusado at suspek.

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *