Motorista, Sumemplang Dahil sa Nalaglag na Orange Barrier sa Kalsada

Kuha sa camera ng isang YouScooper ang pagsemplang ng isang motor rider nang masaktuhan ang paglaglag ng isang orange barrier ang dinadaanan nito. Makikita sa video kung paano masaktuhan ito ng pagkalaglag ng orange barrier na nakasalansan lamang sa gilid ng kalsada. Agad na nakatayo ang rider at natugunan ng ibang motorista. 

Disgrasya Sa White Plains 

Viral ang video na inilabas ng GMA News mula sa YouScooper na si Jappy Lim ukol sa pagkasemplang ng rider sa kahaabaan ng White Plains Avenue sa parteng malapit sa EDSA monument. Ayon kay Lim, nasa maayos na kalagayan ang motorista na syang inaksyunan ng tulong nito at ng isa pang rider na saktong nasa pinangyarihan ng insidente. Ganunpaman, sira naman ang motor nito at katga rito na printer kasama ang mga botelya ng ink nito. Hangad umano ni Jappy na maaksyunan at matugunan ang mga bagay na maaaring maging makapaminsala sa mga motorista. 

Magsampa ng Reklamo 

Giit ng mga netizen, dapat may managot sa tila pabarang pagsalansan ng barrier sa gilid ng kalsada. Sentimyento ng mga ito, masipag ang MMDA na mag-alis ng mga obstruction sa kalsada at sidewalk ngunit ang mga kagamitan ng ahensya ay tila kung saan saan lamang nilalagay. Ayon naman sa ibang netizen, tila iika ika ang paglalakad ni kuyang rider. Hinala ng iba ay baka nabalian ito ng buto dulot ng disgrasya. 

Dapat umano ay magdemanda ang rider sa kung sino ang dapat na maging point person sa nasabing negligence. 

Binash ng Netizens 

May ibang netizen naman ang nagpahayag na ang kamalian ay nasa motor rider. Ayon sa isang netizen, mabilis umano magpatakbo ang rider. Kung sana ay hinay ito sa pagmamaneho, naiwasan nito ang aksidente. Gayunman, inulan ng batikos ang nasabing netizen at sinagot ng mga kapwa motorista na may alam sa pagmamaneho. Kita umano sa video na biglaan ang pagbagsak ng barrier kaya hindi na nagawang makaiwas pa ng rider.

Aksidente Sa Kalsada 

Talamak ang aksidente sa kalsada kaya naman ay pinapaalalahanan ang mga motorista na maging mas maingat at mas alisto sa pagmamaneho. Ganunpaman, may mga bagay at aksidente na hindi talaga maiiwasan sa trapiko. Lagi ding magdasal upang pag-ingatan ng Poong Maykapal sa lahat ng oras ng pagbiyahe. 

YouScoop: Rider, sumemplang dahil sa nahulog na orange barrier

YouScoop: Sumemplang sa kanyang motor ang isang rider dahil sa orange barrier na nahulog sa gitna ng kalsada. Ayon kay YouScooper Jappy Lim na may kuha ng video, nangyari ito noong hapon ng March 15 sa White Plains Avenue malapit sa EDSA monument. Nasa maayos na lagay naman daw ang rider na agad tinulungan ni Jappy at ng isa pang motorista, pero nagkasira umano ang motor at karga nitong printer at mga bote ng printer ink. Nais ni Jappy na matugunan ito at iba pang road hazard na maaaring makadisgrasya sa mga motorista.

Posted by GMA News on Wednesday, March 20, 2019

SOURCE: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *