Mystica, Dumulog Kay Raffy Tulfo Upang Manghingi Ng Saklolo!

Kamakailan lang ay matatandaan nating nanawagan ang dating sexy star na si Ruby Villanueva o mas kilala bilang Mystica sa aktor na si Coco Martin. Humingi ng tulong ang dating singer na muling makabalik sa industriya sa pamamagitan ng “Ang Probinsyano.”

Muling Panawagan Ni Mystica

Napagbigyan na maipasok sa palabas si Mystica na kung saan ay madali ding nawala sa istorya dahil sa maikling pagganap lamang ng role nito. Sa pagkawala nito, muli naman itong nanawagan sa mga kapwa beterano sa industriya na bigyan ito ng isa pang pagkakataon. Ngayon naman ay kay Michael V ito nanawagan.

Pagdulog Sa “Wanted Sa Radyo”

Ganunpaman, isa na namang isyu ang pumutok nang magtungo ito sa programa ni Raffy Tulfo na Wanted Sa Radyo upang humingi ng tulong na maisalegal ang reklamo nito laban sa mga kilalang vlogger supporter ng pangulong Rodrigo Duterte.

Naghihimutok at puno ng pagkapoot, ikinuwento ng sexy star kay Raffy Tulfo ang pangloloko at pangbabash na nangyari sakanya sa kamay nila Niño Barzaga at Drew Olivar.

Ang Panlilinlang

Ayon kay Mystica, tumawag sakanya si Niño at nagpanggap na isang booker na naghahanap ng host para sa isang programang gaganapin para sa isa sa mga proyekto ng pangulo.

Habang nagkakausap ang dalawa sa telepono ay nagla-live diumano ito sa Facebook na kung saan ay sinasabi ni Mystica na sya ay binaboy at nilapastangan. Dagdag pa, naungkat din ang kanyang personal na buhay na pinagpyestahan ng marami sa pangunguna nina Drew Olivar.

Panayam Kay Niño

Sa isang panayam naman ay nakausap ni Raffy ang nirereklamong si Barzaga. Ayon kay Tulfo, maaari itong makasuhan ng cyber crime at wire tapping.

Matigas naman ang pagtanggi ni Barzaga na burahin ang video sa Facebook at iginigiit na magsampa na lamang ng kaso ang dating sexy actress. Nangako naman na magbibigay ng tulong ang grupo ni Raffy Tulfo upang maisakatuparan ang pag-file nito ng kaso laban sa mga inirereklamo.

DrÜg Test

Karagdagan pa, direktang tinanong ni Raffy kung nagdrodroga ang dating aktres at mariin naman nito itong itinaggi. Bagaman tinanggi ni Mystica, sasailalim pa din ito sa drug test bago matulungan ng beteranong reporter at ng team nito.

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *