Mystica, Humihingi Ng Tulong Matapos Diumano Alipustahin Ng Dalawang Vloggers

Muli na namang nag-iingay ang pangalan ni Mystica sa mundo ng social media matapos ang panawagan nito kay Michael V kasabay ng paghingi nito ng pagkakataon na makasama ito sa mga proyekto nito sa telebisyon.

Kamakailan lang ay nawala na ito sa programa ni Coco Martin sa pagtatapos ng role nito sa programang “Ang Probinsyano.”

Alegasyon Ng Panloloko

Sa pinaka-latest na Facebook live ng dating aktres, lumuha ito at puno ng pighati na nanawagan at nagkwento ng kanyang diumano ay mapait na karanasan mula sa mga kilalang vlogger na sina Drew Olivar at Niño Barzaga. Ang dalawa ay kilala bilang masugid na tagasuporta ng pangulong Duterte.

Pang-aalipusta At Pagdurog Sa Pagkatao

Ikinuwento ni Mystica ang mga alegasyon nitong pambababoy, pang-aalipusta, at pangyuyurak sa kanyang pagkatao. Ayon dito, nagpanggap si Barzaga bilang organizer ng isang Duterte event. Inalok nito ng hosting job ang aktres na kung saan ay napag-usapan ng dalawa ang talent fee na 100k.

Habang naguusap ang dalawa ay diumano isinangkot nito sa Facebook live ang kanilang negosasyon. Hanggang sa naging personal na ang usapan na syang sinasabi ng dating singer na pangyuyurak sa kanyang pagkatao. Dagdag pa aniya, sa pagkakasangkot nito sa mga sinasabi nitong pangbu-bully sakanya ng mga inirereklamo nito ay nawala ang kanyang mga future bookings.

Drew Olivar with Mocha
Niño Barzaga
Niño Barzaga

Ang Malaking Pagkakamali Ni Mystica

Puno ng paghihinagpis ang sexy star na kung saan ay dinala nito ang matagal nang sama ng loob mula nang magbigay ito ng negatibong komento tungkol sa pangulong Duterte.

Naging kontrobersyal ang nasabing video at nagviral ito na kung saan ay na-bash ito ng madaming Duterte supporter. Ayon kay Mystica, lubos nyang pinagsisisihan ang kanyang ginawa noon laban sa presidente. Pinatotohanan din nito na bilang pagbawi ay gumagawa ito ng mga video bilang suporta sa pangulo at sa mga proyekto nito. Ang mga ito ay makikita sa Youtube.

Komento ng mga netizen

Naging hati naman ang komento ng mga netizen na kung saan ay sinasabi ng ilan na posibleng may problema ito sa pag-iisip. Ang iba naman ay nananawagan na tigilan na ang pangbabash sa dating mang-aawit dahil naghihirap ang kalooban nito at may dinadalang kabigatan sa loob.

TULUNGAN NIYO PO AKO!!! – MYSTICA (Edwin Nuas) https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=202291874040677&id=100027795981745

Posted by Ruby Villanueva on Tuesday, December 4, 2018

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *