Mystica, Inalala ang Pagsibol at Pagbagsak ng Career sa Isang Kapuso Documentary

Sa programang Investigative Documentaries ng GMA 7 ay nakapanayam nito ang dating sexy actress na si Ruby Villanueva o mas kilala bilang Mystica.

Balik-Tanaw 

Nagbalik tanaw si Mystica kung paano sumibol at sumikat ang ningning ng bituin nito nang pumasok ito sa showbiz. Aniya ay umaabot sa 200k hanggang 300k ang kanyang talent fee na kung saan ay nakabili ito ng maraming investments tulad ng bahay, sasakyan, lupa, at mga mansyon. Nagkaroon din ito ng negosyong bar, pautang, kainan, at iba pa. Liban pa riyan ay may mga bahay itong naipundar sa States. Pahayag nito, 

“Marami akong napundar, mga lupa, mga bahay sa probinsiya, mga bahay dito, mga mansiyon. Pagkatapos, iba pa ‘yung mga naiwan ko doon sa States.” 

Financial Struggle 

Inalala ni Mystica kung paano sya nagsimula sa maganda nitong career. Pag-alala nito, 

“Sobrang mabilis po ang pera kaya akala ko kayang-kaya kong magkaroon ng pitong mga alalay, tapos mga dancer. So ‘pag mayroon akong mga ini-invite noon sa bar ko, lahat libre, halos pamigay lahat.” 

Pagbagsak Ng Career 

Ganunpaman, dumating ang panahon na humina ang kanyang career noong 2016. At sa parehong taon ay nagkaroon naman ng sakit sa puso ang kaisa-isa nyang anak na si Stanley na kung saan ay naging apektado na din ang ibang organ nito. Aminado naman si Mystica na hindi nito na-manage lahat ng kanyang pag-aari kaya naman unti-unting nawala sa kanya ang mga ito at naibenta hanggang sa maubos. Sa kanyang negosyo na pautang ay nagtakbuhan ang mga borrower at nakatanggap rin ng mga death threat.

Pagbalik Sa Showbiz 

Noong 2018 naman ay nagkaroon ito ng pagkakataon na makabalik sa pag-arte sa pamamagitan ng programang “Ang Probinsyano.” Doon ay unting nakapagpundar ito ng sasakyan na kung saan rito napunta lahat ng kanyang sinweldo mula sa maiksing pagganap sa show. Binalak nila ng asawa na gamitin ang nakuhang sasakyan sa business ngunit hindi na ito pinalad na mangyari. 

Komento Ng Netizens 

Samu’t saring komento ang pinabatid ng mga netizen ukol sa pag-documentary ng kanyang naging buhay sa likod ng showbiz. Ayon sa netizens ay tila sa GMA 7 naman ito naghahanap ng proyekto upang makabalik sa showbiz. Ang iba naman ay nagkokomento ng mga negatibong bagay ukol sa dating sexy actress. 

SOURCE: Youtube

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *