Nagsitabaan na Daw ang mga Dating Gumagamit ng Bawal na Gamot, Sigaw ni Sinio, “Duterte is real”

Hanggang sa mga araw na ito ay nananatiling problema diumano ang inflation para sa marami. At dahil dito, sa kabila ng balakid ng pagtaas ng presyo ng bigas ay tila tumatak ang minsan pahayag ng pangulong Duterte na kaya raw umano nagkakaroon ng problema sa bigas ay dahil kumakain na ng tunay na pagkain ang mga gumamit ng Bawal na Gamot. Simula ng pag-upo ni Duterte ay ipinatupad nito ang mahigpit na kampanya laban sa Bawal na Gamot.

Kampanya laban sa Bawal na Gamot

Higit isang milyong gumagamit at nagtutulak ng Bawal na Gamot ang sumuko sa gobyerno upang maisalang sa rehabilitasyon na syang alok ng gobyerno para sa mga nais magbagong buhay.

Ang pag-aadik ay maraming masamang epekto sa tao. At maaaring hindi na sila halos kumain ng tunay na pagkain dahil sa pagkalango sa bawal na gamot. Maraming personalidad sa industriya ng entertainment ang sinasabing sangkot sa kasi ng Bawal na Gamot.

Fliptop rapper

Si Sinio ay nagpost ng kanyang larawan na nagkukumpara ng kanyang pisikal na pangangatawan noon at ngayon. At nilagyan ito ng caption na,

“Duterte is real.”

Sinasabi ng larawan na tila mas napabuti ang buhay ng mga gumagamit ng bawal na gamot na ngayon ay naisailalim sa rehab. Mula sa pagiging payat, nangangalumata, at lubog ang pangangatawan ay marami ang tumaba at umayos sa pisikal na aspeto.

Naging tampulan ng biro para sa mga netizens ang tungkol sa larawan na inilabas ni Sinio. Ika nga ng isang netizen,

“Kaya pala nauubos bigas idol..tama nga si mayor duterte.. Kumakain na sila”

Sinio Cagasan

Si Joseph Martin Cagasan o mas kilala bilang Sinio sa larangan ng fliptop ay isa na sa mga matagumpay sa nasabing industriya. Marami ang sumusuporta sa Fliptop battles na syang kinahuhumalingan panoorin di lamang ng mga bata at pati na din ng mga matanda. Sa labanan ng salita, madalas magkaroon ng personalan na batuhan.

Nasangkot din sa isang isyu ang laban ni Sinio at Shehyee noong nakaraang taon dahil sa personal na batuhan ng salita mula sa dalawang kampo kung saan ay nahatak ang pangalan ng girl friend ni Shehyee na si Ann Mateo. At dito ay kamuntik nang magsampa ng kaso ang magulang ni Mateo laban kay Cagasan.

Ito po ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizen:

Source: Facebook

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *