Nakabaong Tubo na Naglalabas ng Mabaho at Maruming Tubig, Nadiskubre sa Boracay!

Nadiskubre ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nakabaong tubo na naglalabas ng mabaho at maruming tubig sa ilalim ng maputing buhangin sa Boracay.

Ayon sa ulat ng TV Patrol, nalaman raw ng DENR ang tungkol dito dahil sa tulong ng isang concern Netizen.

“May binanggit po sila na may ilang malalaking resort sa harap mismo ng white beach na meron silang underground drainage, na lahat na po ng excess na tubig, na dumi… dumi sa hugasan, sa kitchen, doon raw nila dine-drain ‘yung maduming tubig.” sabi ni DILG Assistant Secretary Epimaco Densing III.

Ayon pa sa DENR, kanilang umanong aalamin kung sino ang may kagagawan at kung bakit pinayagan ang paglalagay ng tubo roon.

Reaksyon ng mga Netizens

Dahil sa nadiskubre, lalong humanga ang mga kababayan natin sa naging aksyon ni pangulong Duterte na ipasara ang Buracay at ayusin ito. Ang mga Dilawan naman ay nabatikos ng husto dahil sa kanilang pagkontra sa pagpapasara sa lugar.

SOURCE: TV Patrol

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *